Chapter 6

43.7K 1.7K 171
                                    

Nagbihis na ako pero inayos ko muna ang sarili ko sa salamin at lumabas. Habang naglalakad umiiwas ng mga tingin ang mga estudyante kaya nag kibit balikat na lang ako. May nakita akong mahaba na mesa sa gitna ng cafeteria at nakita ko lahat sila ay nandoon.

Naisipan ko bumili muna ng pagkain dahil nagutom rin ako sa eksena kanina. I ordered carbonora, french fries, buko pandan ice cream and bottle of water. Sinulit ko na ang pag bili dahil sa binigay na pera ni Dylan.

Kinuha ko na yung mga inorder ko, Nag dadalawang isip pa rin king tutuloy pa ba ako sa mesa na iyon o hindi na. Nahihiya ako at umatras na lang muna.

Maraming schedule ang dapat kong gawin mamaya lalo na sa mga room ng mga prinsipe. I have to clean their rooms and fix their things. Inayos ko ang mga time ng schedule ko at laking salamat ko na may vacant time ako para makapag pahinga at sagutan ang mga assignments ko.

Sabi ni James na hindi ko kailangan i-pressure ang aking sarili. Hanggang ngayon hindi ko mawari bakit mabait ang pag trato nila saakin hindi sa umaarte ako na we-weirduhan lang ako sa kanila. Hindi kaya may ibang dahilan kaya ganon sila saakin? Or I was just assuming?

Nagulat na lang ako may humila na dulo ng aking palda. Napatingin ako sa ibaba ang I saw Prince Daniel na umiiwas pa ng tingin saakin. Nilagay ko muna ang aking tray sa bakanteng mesa bago lumuhod para makausap siya.

"Prince Daniel? Ano ginagawa mo dito? baka hanapin ka nila kuya mo." nag aalala na saad ko.

"Ate, my kuyas said you need to go to our table immediately. And w-would you mind to sit beside me?" sabi niya at hindi ko napigilang ngumiti at sumulyap sa mesa nakita ko ang mga mata nila nanonood saakin at agad umiwas na makita ko sila but Ace didn't. He's watching me.

"U-uhh, hindi ba nakakahiya? Mesa ninyo iyon t-tapos makikisingit pa ako?" sabi ko habang nakangiti,

"It's their order ate, gusto kita katabi para matulungan ako sa pagkain. My kuyas are lazy and annoying." Sabi niya at umirap pa. Natawa ako kaya hinawakan ko na ang kamay niya at nahihiyang pumunta na sa mesa. Namula si Daniel pero sumunod na lang saakin.

Pinaupo ako sa tabi ni Daniel tulad ng sabi niya.

"Hey, beautiful." Ngising sabi ni Blake ngumiti ako ng pilit sa kaniya at palihim na umirap nakita iyon ni Jacob kaya natawa.

"A-ate can you help me with this?" sabi ni Daniel napatingin naman sila lahat Sa akin at hinihintay kung ano gagawin ko. He's referring to the straw and a pack of blood. Ngumiti ako at tumango.

"Oo naman! Halika," sabay kuha ng straw niya at pinabuksan siya.

"T-thank you ate!" Sabi niya. Ngumiti na lang ako at tumango.

"And Kira, I want to introduce our cousin, Rachel." Nanigas ako sa sinabi ni James at napatingin sa babae na katabi nila.

Muntik ko na mahulog ang inumin ko mabuti nalang hindi natuloy. Pa kurap kurap ako tumingin kay Rachel na ngayon natatawa saakin.

I knew it! Something really bothering me about her. Bakit Hindi ko nahalataan na mukha siya prinsesa dahil sa ganda niyang taglay?

Napatayo ako agad ay yumuko.

"Maligaya po ako na makilala ka." magalang na bati ko. Nahihiya ako na tumingin sa kaniya at narinig ko ang kaniyang tawa.

"My gosh! No need for formality, Kira. I gave you a clue kanina sa klase so I thought you already knew." Sabi niya.

"Kaya pala..." sabi ko.

"You are their slave right? How pathetic Kuya! She's too beautiful and kind to be one of your slaves." Sabi niya at umirap. Ngumiti na lang ako awkward.

The Royal Vampires Academy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon