Chapter 20

38.4K 1.4K 801
                                    

Kira's POV

"So he changed your hair, huh. Do you know what it means?" malumanay na sabi ni Kevin habang nakahawak pa rin sa kamay ko.

"Hindi niya sinasabi sa akin. Bakit ano ba ang ibig sabihin non?" kabado na sabi ko. Kapag talaga ako nilagyan niya ng sumpa, hindi ko siya mapapatawad habang buhay!

"Damn it," galit niyang sabi at saka binitawan ang kamay ko bago siya umalis sa aking harapan. Naiwan akong nakatulala.

Nagulat ako ng tumabi si Ace sa gilid ko. Nakatingin lang ito sa kalangitan habang ang pareho nitong kamay ay nasa kaniyang bulsa. Tinignan ko ang paligid at nakita ko wala na ang mga kapatid niya pati ang mga kaibigan ko.

Kinagat ko ang labi ko. Wala naman masama kung magtanong ako sa kaniya diba?

"Ace..."

"Hmmm?"

Nagulat ako nang diretso ako nito tinignan. Nakatitig ito sa aking mga mata, para sinasaulo ang aking mukha. Umangat ang gilid ng labi niya kaya kumabog ang dibdib ko.

"May ibig sabihin ba itong buhok ko?" tanong ko sa kaniya. He groaned lazily. Mas lalo ako nagtaka.

"Why did you ask?" nakasimangot na sabi niya.

"Siyempre magtatanong ako! Kevin is acting weird at ikaw rin! Parang ka ngang baliw na tumatawa!" tinignan niya muna ako nang maigi. Nagulat ako sa ginawa niya kasi hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa bandang garden ng school.

"Now, ask." seryoso na sabi niya. Lumunok muna ako.

"Why are you acting so weird? Ano ba meron sa buhok ko? Did you put curse on me or something?" sunod sunod na tanong ko.

"Weird huh, I'm in love with you and that's really weird right? But yeah, this vampire is in love with you so you have my mark now," hindi ako makagalaw sa sinabi niya.

"Ikaw ang tinadhana para saakin Kira. You belong to me--Only me."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Tinuro ko ang sarili ko.

Diba dapat masaya ako? Pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Natatakot ako na hindi mawari. Hinahangaan ko siya, inaamin ko pero hindi ko alam na ganito ang kakalabasan kapag nagka-gusto siya sa akin. At ngayon lang ako nagising sa katotohanan na bampira siya at tao ako.

"P-Pero bakit ako? Galit ka sa akin at impossible na maka-gusto ka sa akin. Tao lang ako at mahina hindi tulad niyo." naguguluhan na sabi ko.

"I don't know too. I'm just following my guts, I guess?" napapikit ako sa sinabi niya.

"Ace, inaamin ko na nagka-gusto ako sa'yo but the reality hits me. Prinsipe ka at nage-expect ang lahat na sa prinsesa ka magkaka-gusto." sabi ko sa kaniya. Napatawa siya ng sarkastiko bago ilapit ang mukha sa akin.

"I'm ready to break any rules just to be with you, baby. I am the Crown Prince so don't underestimate my power. When I confess my feelings all you just have to do is accept the truth and be mine forever." Nakangising sabi niya at lunmapit saakin.

Napayuko ako at hindi mawari ang nararamdaman. Natatakot ako at kinakabahan.

"W-Wait! Masyadong mabilis ang pangyayari! Let me think first!" tumalikod ako sa kaniya at hinawakan ang ulo.

Hindi ko pa rin malaman ang rason bakit nagalit si Kevin! Kinagat ko ang kuko ko habang naglalakad. Natigilan ako. Don't tell me... Gusto niya rin ako? Umiling ako. Kapal mo Kira! Ano iyon dalawang prinsipe nakagusto sayo?

Baka ayaw sa akin ni Kevin para sa kapatid niya!

"So how many hours do you want to think huh? 5 hours? 2 days?" sarkastiko na sabi ni Ace.

The Royal Vampires Academy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon