Chapter 39

25.4K 895 375
                                    

Napaupo ako sa bench habang sila ay nanatili nakatayo sa aking harapan. Hindi pa nga ako nakaka-move on sa nangyayari sa kaibigan ko tapos sinabay pa ito.

Feeling ko masisiraan na ako ng ulo. Tinignan ko sila na ngayon nakatayo sa aking harapan. Parang wala lang sa kanila ang nangyayari samantala ako problemado na dito.

Irita kong sinabunutan ang sarili at napatingin sa kawalan. Lumaki ako sa bahay ampunan at lumaki na hindi nakikilala ang aking mga magulang maski ang mga kamag-anak ko ay wala man lang nag isip na puntahan ako.

"Are you sure?" Naninigurado kong tanong sa seryoso na babae. Tumango ito.

Napapikit ako at napakagat sa aking labi.

"Bea..." Napatayo ako nang makita si Blake nasa harapan at seryoso ang mukha. Napalunok ako at lumapit sa kaniya pero hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa dalawang babae.

Nagulat ako nang hatakin niya ang wrist ko at nilagay sa kaniyang likuran habang hindi niya inaalis ang paningin sa dalawa.

"Blake..." Tawag ko rito pero hindi ito sumagot.

"Do you know them?" Tanong ni Blake saakin kaya napalunok ako at tinignan ang dalawa. Nakangiti sa akin si Shane at tila kinikilig pa habang si Wendy-- I think it's disrespectful to call her by her name. Tita Wendy na lang dahil mas nakakatanda siya tignan kaysa sa akin.

"Y-yeah, they introduced themselves earlier." Mahinang sabi ko at kinakabahan dahil sa pinapakita niyang emosyon.

"And they're a Witch." Dagdag ko pa. Umigiting ang panga nito at hinigpitan ang hawak sa akin kaya napangiwi ako dahil sa sakit.

"I know..." Bulong niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Magsasalita sana ako na inunahan na ako.

"Greetings Prince Blake, We're from the Witch Clan. I assume that you already know the reason why we came here." Pormal na sabi ni Tita Wendy kaya nahulog ang panga ko at tinignan si Blake.

May alam siya? Alam niya ang lahat ng ito at wala siya planong sabihin ito sa akin?

"Please don't tell me na may alam ka dito, Blake." Seryosong sabi ko kaya napalingon siya saakin. Sumulyap muna siya sa dalawa at humarap na saakin. Hinablot niya ang braso ko at lumayo kaunti sa kanila para makausap kami ng maayos.

"Alam mo?" Tanong ko ulit kaya nag buntong hininga siya. Hahawakan niya sana ang mukha ko pero tinabig ko ang kamay niya.

"Babe, let me explain..." Sabi niya kaya mas lalo uminit ang ulo ko. Kung hindi pa sila pumunta hindi ko pa talaga malalaman.

"So alam mo nga?" Mas galit na tanong ko at nag titimpi. Tumango ito kaya napapikit ako.

"I was planning to tell you earlier. Masyado ka na naguguluhan dahil sa mga nangyayari kaya ayoko pa dumagdag." Habol niya saakin at pilit na ilapit ang katawan ko sa kaniya.

Kahit papano ay guminhawa ang pakiramdam dahil sa katotohanan na sabi niya. May plano siya sabihin saakin kanina but I was too stressed to pay him attention.

Nagbuntong hininga ako at hinawakan ang kamay niya.

"I'm so confused right now, Blake. Parang imposible ang mga sinasabi nila. Hindi ko alam kung saan ako nag mula lalo na lumaki ako sa bahay ampunan pero hindi ko naman inaasahan na ganito..." nahihirapan kong sabi.

Ito siguro ang pakiramdam ni Kira ngayon?

Hinatak niya ako papunta sa dibdib niya at miyakap ako ng mahigpit. Hinalikan niya ako sa ulo kaya napapikit ako.

"I'm your family now, Bea. I will take care of you, always remember that." may parang humaplos sa puso ko nang marinig ko sa kaniya iyon.

"Talaga?" Naiiyak na tanong ko kaya natawa siya at hinalikan ako sa ulo at pagkatapos non ay narinig namin ang ubo sa aming likuran. Namula ang pisngi ko kaya hinatak ko na siya pabalik.

The Royal Vampires Academy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon