Chapter 32

27.1K 940 113
                                    

Kira's POV

Nandito kami sa clinic ng school at hindi parin ako makapaniwala na nangyari kanina. Nagbuntong hininga ako at tinignan ang pasa ko na katatapos lang gamutin. Alam ko na hindi niya sinasadya na saktan ako. His vampire strength is indeed uncontrollable especially when he gets mad.

But the pain in my chest doesn't vanish at all. Gusto ko nakalimutan ang pag-iwan niya sa akin sa gitna ng kalsada na yon at paano ako hawak-hawakan ng mga lalaki na yon. It's really traumatic experience for me.

"Kira, are you okay?" Tanong ni Rachel. Ngumiti ako ng pilit.

"Yeah..." sabi ko. Lahat sila nandito, ang sabi ni Rachel na may unting dugo na nakita siguro dahil sa kuko ni Ace na bumaon sa aking braso. Lahat sila ay naamoy yon kaya hindi na nila natiis kundi sumugod sa usapan namin kanina. Kahit si Kevin ay galit na galit at ngayon pormal na nakaupo habang nakasalubong ang mga kilay.

"Rachel, nasan sila Ace?" Tanong ko. Lahat sila napatingin sa akin. Hindi naman makapaniwala na tumingin sa akin si Bea at tila handa na ako hampasin.

"Bess, may injured ka tapos siya pa rin ang hanap mo? Alalahanin mo muna ang sarili mo. " Sabi ni Bea tumango naman si Rachel. Ngumuso na lang ako dahil sa lungkot. I just want to see him ano ba masama doon?

Maya maya may nag bukas ng pinto, sina Andrew at Dylan ang pumasok. Tila nanggaling ata kay Ace.

"Kira, okay ka na ba? Pasensya sa ginawa ni Ace. Ganyan talaga siya mag selos kaya intindihin mo muna." sabi ni Dylan at napakamot sa batok.

"Nasaan siya?" Tanong ko pa rin kaya tinignan ako ulit na masama nung dalawa hindi ko na lang sila pinansin.

"Nandun siya sa mansion kausap nila James." sabi ni Andrew na busy sa phone. Sumulyap siya sa akin bago bumalik ang atensyon sa kanyang phone. Bakas sa mga mukha nila ang pag-alalala kaya napangiti ako.

"Pwede ba natin siya puntahan?" Sabi ko. At hindi na natiis ni Bea hinampas na ako sa binti at sinamaan ako ng tingin. Nagbuntong hininga si Rachel.

"Kira! He hurt you and you need to rest forsake! Hayaan mo muna siya malaki na 'yon." sabi ni Bea.

"He didn't mean to hurt me, Bea. At gusto ko siya kausapin." sabi ko.

"Nag aalala lang kami sayo baka ano ba gawin niya sa'yo--" sabi ni Rachel.

"Hindi niya na ako sasaktan." Sabi ko.

"Oh sige na nga, pero sigurado ka ba?" Tanong ni Bea. Tumango ako.

Pagkatapos na aking maikling pagpapahinga naghanda na ako para puntahan si Ace. Inalalayan ako ni Rachel sa labas may nakita ako isang malaking sasakyan na idadala daw ako sa mansion nila Ace. Minsan naisip ko na napakayaman talaga nila. Meron silang Kaharian na pinamumunuan ng magulang niya, pag-aari nila ang school na pinapasukan ko at may mga Mansion pa sila.

Pinasakay na nila ako sa kotse at sinamahan ako ni Andrew at Dylan nag-alalala sila baka dahil saktan ako ulit ni Ace pero alam ko na hindi niya ako kaya saktan, kilala ko siya hindi niya sinasadya kanina. Masyado ata over acting ang mga ito.

"Dy, malayo ba yung mansion na pupuntahan natin?" Tanong ko kay Dylan habang inaayos ang aking sarili. Bakit ba kasi ako kinakabahan? Si Ace lang naman ang pupuntahan ko.

"Wow, bagong tawagan! Sige itatawag ko sayo ay My." sabi niya at ngumisi pa. Tinignan ko siya ng nandidiring tingin. Gwapo silang lahat pero never ako na-attract sa kanila. Narinig ko ang tawanan nila.

Binatukan naman siya ni Andrew na tumatawa rin naman. Umirap nalang ako.

"I'm sure that you won't like to say that in front of Ace bro," Sabi ni Andrew Kaya mas lalo natawa si Dylan. Loko talaga.

The Royal Vampires Academy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon