Chapter 43

24.6K 1K 89
                                    

Rachel's POV

This is worse than I thought. Lahat kami ay balisa dahil sa mga nangyayari at hindi malaman kung ano ang gagawin. Nakalipas ng isang linggo ay sa tingin ko ay mamamatay na ako dahil sa tension na nangyayari kapag nandiyan si Kuya Ace maging si Blake ay delikado na ngayon kausapin. 

Kasalukuyan ako nakaupo sa sofa sa malaking room namin mag pipinsan kung saan nakasanayan na tambayan namin noon nila Kira at Bea.

And speaking Kira and Bea, Kuya James warned us about them, we are not allowed to have connection with them anymore. Wala kami magagawa dahil si Kuya James na mismo ang nag salita. 

"Namimiss ko na si Kira..." nakangusong sabi ni Andrew habang yakap yakap ang isang unan. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon sa kaniya. Nagulat ako na bigla siya batuhin ni Jacob si Andrew sa mukha kaya malakas humalakhak si Dylan na ngayon nasa tabi ko.

"Imbes na mag-mukmok ka diyan, tulungan mo kami mag-isip kung paano makalusot sa mga gwardiya." nakasimangot na sabi ni Jacob. I groaned because of the frustration. Halos makalimutan ko na may nag babantay sa labas.

Ilang araw na kami kinukulong sa room na ito. Pinag babawal kami lumabas dahil alam ng Hari ang tigas ng ulo namin. Alam niya kasi na gagawa talaga kami ng paraan para puntahan sina Kira.

Tanging sina Ace at James ang maaari lumabas at pasok. May kakayahan sila gawin ang gusto nila sa labas o kaya may inaasikaso sila tungkol sa batas na nilabag ni Ace at Kira. Si Blake ay second hand ni Ace kaya may kakayahan din ito lumabas ngunit limitado lang. 

"Ikaw ang nakaisip bakit hindi ikaw ang gumawa?!" singhal na sabi ni Andrew kaya napailing na lang ako.

"Sus, duwag ka lang ata." asar pa ni Dylan sa aking tabi kaya napasampal ako sa aking noo.

"Ano sabi mo?!" biglang nag bato si Andrew ng unan sa aming puwesto at sapul ito sa mukha ni Dylan. Napangiwi ako dahil nabato rin ako sa mukha. Malakas na tumawa si Jacob dahil sapul rin sa pagmumukha ko yung unan, tinuro turo pa ako nito habang tumatawa.

"Kung mag babatuhan kayo wag kayo mangdamay ng iba!" sigaw ko pero syempre hindi nila ako pinansin sa halip nag suntukan pa talaga sa harapan ko. Inis ako tumayo at pag bukas ko ng pinto sumalubong saakin ang walang emosyon na mukha ni Ace.

Napalunok ako at umatras.

"Guys..." bulong ko kina Andrew na ngayon nag susuntukan pa rin. Napapikit ako ng mariin dahil tumaas ang kilay ni Ace at tinignan ang nangyayari sa aking likuran.

"Gago ka!" narinig ko sigaw ni Dylan kaya napakagat ako sa aking labi. Si Jacob na kanina tawa ng tawa ay tumiklop na rin at kunwaring nag aayos ng mesa kaya napairap ako. 

"What the hell is happening?" pareho kami natigilan dahil kay kuya James na kasunod lang ni kuya Ace. Tumawa ng mahina si Jacob at sinamaan naman siya ng tingin ni Ace kaya huminto ito sa pag tawa.

"K-kamusta yung lakad niyo?" tanong ni Andrew habang palihim sinipa si Dylan. 

"As usual." maiksing sabi ni James at umupo sa sofa. Nag kibit balikat na lang ako. Gusto ko mag tanong kay Ace pero dahil sa mukha niya parang gusto ko piliin mamatay na lang. Nag buntong hininga ako at nag ipon ng tapang para makausap siya.

Pa-simple ako lumapit kay Ace na ngayon naka-dekwarto na nakaupo at umiinom. 

"Can I ask something?" tanong ko at umupo sa kaniyang harapan. Tumango lang ito at uminom ulit. Napalunok ako at ngumiti.

"Nakausap mo na ba si Kira? Alam mo rin ba kung saan sila ngayon?" tanong ko. Natigilan ito at dahan dahan na binaba ang iniinom nito. 

"Rachel," saway saakin ni James. Tinaasan ko siya ng kilay.

The Royal Vampires Academy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon