Chapter 40

25.4K 999 505
                                    

Kasalukuyan kami ay nasa cafeteria. Pinagtitinginan pa rin ako ng mga estudyante at pinapanood ang mga kilos ko. Nagbuntong hininga na lang ako.

May emergency meeting daw ulit sina Ace kaya kahit namamadali nagawa niya pa rin mag paalam sa akin kanina.

Hindi ako makahanap ng tyempo para sabihin sa kaniya tungkol sa mga magulang ko kung may alam talaga siya tungkol sa kanila.

Ang dalawa kong kaibigan ay nagtatawanan habang ako ay tahimik lang at hindi mapakali. Bakit ang tagal nila Ace? Hindi naman ganito kahaba ang meeting nila.

May naramdaman akong ibang aura sa paligid. Hindi ko alam kung paano ko iyon nararamdaman siguro dahil isa sa mga kakayahan ko bilang Moon Warrior.

Napalingon agad ako sa entrance ng cafeteria at nanlaki ang mga mata na makita ang isang hindi karaniwang babae na tila naliligaw. May hinahanap siya at tumama ang paningin niya saakin kaya nanlaki ang mga mata niya.

"Who is that?" Bulong ko kay Bea sa tabi ko.

"Ha?" Tanong niya at tinignan rin kung saan ako nakatingin. Nanlaki ang mga mata niya at napatayo pa.

"Oh? Ano meron?" Tanong ni Tyler. Nagulat ako naman ako na bigla lumapit saamin ang babae at kumaway.

Napansin siya ng mga estudyante kaya agad siya hinigit ni Bea sa aming table. Nanatili siya nakangiti saakin kaya tumaas ang balahibo ko.

"Hi Princess Brianna!" Maligaya niyang sabi. Dahil malakas ang pandinig ng mga bampira nag simula na mag bulungan ang mga estudyante.

"Please just call me Bea. Guys, siya pala si Shane na sinasabi ko kahapon." Sabi ni Bea. Humarap saakin si Shane ay nilahad ang kamay kaya tinanggap ko ito.

"You are indeed beautiful, Princess Kira!" Sabi nito kaya kumunot ang noo ko at napatingin kay Bea. Umubo ito at tinakpan ang bibig ni Shane.

"N-nice to meet you..." Pilit na ngiti ko sabi. Princess? Maybe it's a nickname for me? Tanging si Bea lang ang prinsesa dito dahil sa magulang nito.

"Oh hi there! You are Trivston's son right?" Sabi naman ni Shane kay Tyler kaya kumunot rin noo nito at tinignan lang ang kamay na nakalahad sa kaniya.

Gusto ko matawa sa itsura ni Tyler pagkatapos banggitin ang pangalan ng tatay niya.

"Do I know you?" Maarteng sabi ni Tyler kaya napa awang ang bibig ni Shane. Siniko ko naman ito at tumawa na peke.

"Yup, he is Tyler by the way." Sabi ko at nakita ko na umirap si Tyler. Umupo ito at hindi na kami pinansin.

Ngumiti naman si Shane at pumalakpak.

"It's really a honor to meet you! I wish I could bring my mom here." Sabi ni Shane at umupo.

"Your mom?" Tanong ni Bea.

"Oh! That woman yesterday is my mom. Yeah, I know it's kinda weird because she's a serious and scary type." Natatawang sabi ni Shane.

"Seriously?! It's your mom? Hindi halata kay Tita Wendy na nay anak na!" Sabi ni Bea kaya natawa sila pareho.

"Ano nga pala pinunta mo dito?" Tanong ni Bea.

"Sabi ni mommy na bumisita daw ako sayo kaya ayon..." Natatawang sabi ni Shane.

Tahimik lang kami pareho ni Tyler sa pag uusap nila. Sa gitna ng pag uusap nag simula na ang tilian sa loob ng cafeteria. Nakita ko ang mga prinsipe na naglalakad patungo sa table namin.

Natataranta na tumayo si Shane.

"Oh no, they're here..." Sabi niya at nag hahanap kung saan mag tatago kaya natawa ako ng mahina at hinila siya paupo.

The Royal Vampires Academy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon