Chapter 15

37.9K 1.4K 97
                                    

Cafeteria

Speaker: students of RVA we don't have class for later, I repeat there's no class after lunch.

Huh? Bakit naman? Wala naman sinasabi sa akin na may event or whatever na gaganapin. Nagkibit balikat na lang at tinuloy ang pagkain sa aking pasta. Ano kaya pwede gawin mamaya? Maglilinis na lang ako para makapag pahinga rin ako kahit sandali at sisiguraduhin ko na maiiwasan ko si Ace! His presence makes me feel horrible.

Nandito ako sa table kasama sina Katelyn at Kate, Actually ang sarap nilang kasama. Nawala ang ngiti ko na maalala sila Tyler at Bea. Kamusta na kaya sila? Naalala pa rin ba ako ni Bea? Hinahanap kaya niya ako?

Namimiss na kita Bea.. Okay ka lang ba?

Nagbuntong hininga na lang ako at malungkot na pinagtuloy ang pagkain.

"Hmmm.. Kira, slave ka ba talaga ng mga prinsipe? " Tanong ni Kate habang kumakain ng fries.

"Oo bakit?" Tanong ko, nagtinginan sila dalawa. Nataranta sila ng makita nila ang nasa likuran ko.

"Wala lang. Hindi lang ako makapaniwala na may nahanap ulit silang slave after so many years." sabi niya habang umiinom ng dugo.

"Buti buhay ka pa?" nagulat ako sa sinabi ni Katelyn.

"Bakit? Kailangan ba mamatay ako?" kabado na sabi ko. Tinawanan niya lang ako na akala mo may nakakatawa sa sinabi ko.

"Idiot! I didn't mean like that." tumatawa niyang sabi. "Wala kasi tumatagal na slave sa kanila." dagdag niya pa kaya lalo kumunot ang aking noo.

"What do you mean?"

"You know..." lumapit siya sa akin at tumingin sa paligid bago magsalita. "Ace has really bad temper. And the rumors said that he killed their slave once. After that, wala na sila naging slave." paliwanag niya.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa nalaman ko. I admit that I'm scared of him but all of that fear has been gone because of his actions recently.

"Kira you think my girlfriend na Dylan?" bumalik ako sa wisyo dahil sa tanong ni Kate.

"Kate!" saway sa kaniya ni Katelyn. Lalong kumunot ang noo ko nang makita ko galit ang kapatid niya.

"Hindi ko alam, bakit?" nalilito na sabi ko. Natigilan sila sa pag tatalo at nanlaki ang mga mata tila may nakitang multo sa aking likod.

"U-uhh, sige Kira, let's just meet later." Sabi ni Katelyn at dali dali nililigpit ang kaniyang gamit. Bakit ba natataranta sila? Paalis na sana sila kaso huli na ang lahat dahil tinawag na ako ng mga prinsipe.

"Kira!" Tawag sa akin ni Dylan. Dahil ba nandito ang mga prinsipe? Ano naman? Iniiwasan ba nila ang mga master ko? O kaya may atraso sila? May tinatago ba sila?

Nung nakapunta na sila sa pwesto ko natigilan sila na makita sina Kate at Katelyn. Natigilan si Dylan na makita si Kate, hindi ata inaasahan na makita siya dito.

"Hey beautiful--shit..." Bagong dating si Andrew at natigilan na makita si Katelyn na hawak hawak ang kaniyang libro at pilit na lumalayo sa presensya nila.

"Sige una na kami Kira nice to meet you again." binigyan ako ng matamis na ngiti ni Katelyn, tumango na rin ako at ngumiti bago sila tuluyan na umalis.

Nakita ko sina Dylan at Andrew nakatulala. Nilipat ni Dylan ang tingin sa akin at hindi makapaniwala ako tinignan. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

The Royal Vampires Academy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon