Chapter 41

24.5K 1K 387
                                    

Kira's POV

Lahat sila ay natigilan dahil sa aking nasabi. Yes, I love him but it doesn't mean I would let him to hurt my friends.

Wala siyang pinapakitang emosyon sa akin kaya ganon na din ako. Hindi ko maintidihan kung bakit niya ito ginagawa. Ang totoong Ace na kilala ko hindi ako kayang saktan ng ganito.

"A-ace, my back hurts..." Sabi ni Alex at naiiyak na. Nag buntong hininga si Ace at tinulungan ito. Sumikip ang dibdib ko at naluluha nanaman.

"Pwede bang tigilan mo yang arte mo?!" Sigaw ni Bea sa kaniya kaya mabilis ako pumunta sa tabi niya kaya nagulat siya.

"That's enough..." Sabi ko at ngumiti ng pilit. Pero sumeryoso lang siya siguro dahil nahahalataan niya na ang totoong nararamdaman ko.

Balak ko na umalis kasama ang mga kaibigan ko pero may gusto muna ako siguraduhin. Kahit nahihirapan ay nagawa ko pa rin tumayo sa kaiyang harapan kasama ng babae na pinalit niya saakin.

"Minahal mo ba talaga ako?" Nanginginig ang aking boses nang sinabi iyon.

Natigilan siya at lumambot ang kaniyang mukha dahil sa aking sinabi.

"Hindi! You're just one of his flings who easily fell for him!" Sigaw ni Alex. Kanina ko pa pinipigilan ang galit ko sa kaniya kung hindi ko lang inaalala na importante siya kay Ace siguro sinakal ko na rin ito.

Nagbuntong hininga ako at pekeng ngumiti kay Alex.

"I'm not talking to you so please shut your damn mouth before I sew it ruthlessly. Hmm?" Sabi ko kaya nahulog ang panga niya.

"Gusto ko lang ng sagot, Ace." Mahinahong ko sabi.

"I do, I do love you..." Sabi niya kaya kahit papano naalis ang bigat sa aking dibdib.

May parte sa akin na hinihintay siya bumalik sa akin dahil handa ako tanggapin siya ulit at intindihin sa kahit anong bagay.

Ganon ko siya kamahal.

"B-but not the way I love Alex." At tuluyan na ako bumigay. Bumagsak ang tingin ko sa ibaba at ngayon ko lang na-realize ang mga nangyayari.

I knew this would happen but I ignored it. I had a vision about this but my love for Ace blinded me.

Natawa ako ng pagak dahil sa narinig. Ang sakit pala. Sigurado ako na ang pagmamahal na pinakita sa akin ni Ace ay totoo pero bakit naging ganon siya bigla? Bakit kailangan niya lokohin ang sarili niya at saktan ako?

"Y-yung mga pangako mo na hindi ako iiwan... Totoo ba iyon?" nanginig ang aking boses. Nahahalataan ko siya na nahihirapang sumagot sa mga tanong ko.

"I don't have any plans to keep that promise in the first place..." Nahihirapan niyang sabi kaya mas lalo ako nanghina.

Gusto ko takpan ang tenga ko at isipin na binabangungot lang ako. Gusto ko isipin na pag gising ko ay katabi ko lang siya at masaya kami nag kukulitan sa kama.

"Is that so?" Mahina kong sabi at natawa pa ng mahina. Hindi ko inaakala na mangyayari ito sa amin.

"Yes! So get your ass out of here!" Sigaw saakin ni Alex pero hindi ko siya pinatulan. Tinignan ko si Bea, tumango na lang siya at alalang alala ang mukha nito.

Lumapit sa akin si Tyler na madilim ang mukha at sinamaan ng tingin si Ace.

"Let's go..." Mahinang sabi ko at pumiyok pa dahil sa nakabara sa aking lalamunan.

"Kira..." Lahat kami ay nagulat sa paglapit ni Ace. Susugod sana si Tyler pero pinigilan na siya ni Bea.

Hinigit niya ang braso ko. Hindi ko siya kayang harapin dahil natatakot ako, natatakot ako na magmaka-awa ako sa kaniya na bumalik sa akin.

The Royal Vampires Academy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon