Chapter 27

34K 1.1K 719
                                    

"Kapag wala kami mahanap katulad ni Kira sa amin nalang siya." biro ni Andrew. Sinamaan siya ng tingin ni Ace kaya napatawa ako.

Lunch na pala namin, hindi agad natapos yung discussion ni Ma'am Minerva dahil nag bell na. Gusto ko pa sana malaman kung ano ba talaga nangyari noong mga unang panahon pero ayaw makisama ng oras. Ang bilis kasi lunch na!

Nag lalakad pala papunta sa Canteen.

"Subukan mo." panghahamon ni Ace sakanya. "And you will not be able to find any woman anymore." banta sakanya ni Ace.

"Pre, Wala naman ganyanan! Magkapatid tayo diba?" pag uuto pa sa kanya ni James pero hindi siya pinansin ni Ace.

"Umupo ka muna, ako nalang bibili ng pagkain." sabi ko kay Ace na pinaupo ko.

"Samahan na kita." tatayo na sana siya ng pinigilan ko siya.

"Wag na, wala naman kukuha sa akin, ano ba gusto mo?" tanong ko sakanya. Bumuntong hininga naman siya.

"Hmm, kahit ano just go back." sabi niya at niyakap ako sa bewang ko. Nakita ko si Rachel na kunot noo na nakatingin sa pinsan niya at parang nandidiri pa.

"Kuya, parang ka bata." mataray na sabi niya saka umirap. Hindi siya pinansin ni Ace dahil sinubsob niya pa lalo ang mukha niya sa bewang ko. Parang ngang bata.

"Hi guys---hoy bitawan mo nga siya sisipain ko yang panget na mukha mo!" nagagalit na sabi ni Tyler na kakadating lang.

"Tsk, She is my girlfriend so I can hug her anytime I want." malamig na sabi sakanya ni Ace. Napailing nalang ako.

"Girlfriend, Girlfriend." bulong ni Tyler habang nakanguso. "Ulol!" sigaw sa kanya ni Tyler saka tumakbo ng tatayo na sana si Ace. Napailing nalang ako ulit.

'Boys..'

Pumunta na ako sa counter. Ang sasarap na sana ang pagkain dito pero may nakita akong dugo. Parang gusto bumaliktad ng sikmura ko.

"Good morning ano po order niyo?"

"Good morning rin, 2 spaghetti, 1 fresh blood, 1 nestea and 2 mango ice cream. Yun lang po." sabi ko at tumango ang tindera. Habang nag hihintay ,may tumabi saakin. Nilingon ko kung sino 'yon.

Si Kevin.

"Hi" nakangiti na sabi niya. Nginitian ko rin siya.

"Hello, kamusta?" Sabi ko tagal ko na hindi siya nakaka usap simula nung nangyari noon.

"Okay lang naman. Eto naka move on na sa'yo." halos masamid ako sa sarili kong laway sa sinabi niya.

"Mabuti kung ganon." ang tanging nasabi ko nalang.

"Yeah, I'm sure makakahanap ako ng babae mas maganda pa sa'yo." biro niya at natatawa pa. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Aba! Suntukin kaya kita?" pikon na sabi ko pero tinawanan niya lang ako ng napakalakas. Tamang tama at binigay na ng tindera ang mga inorder ko. "Una na ako. And goodluck pala sa magiging girlfriend mo---kung magkakaroon ka pa ng girlfriend." biro ko.

"Hey! Watch your mouth lady!" napatawa nalang ako. Ang sarap pala pikunin ni Kevin.

Naglakad na ako habang dala yung mga pagkain. Tinignan ko si Ace at nagulat nang makita na tinitigan niya rin ako. Selos na naman? Nilapag ko yung pagkain sa lamesa.

"Ano tinitingin tingin mo diyan?" nakataas na kilay na sabi ko. Napanguso siya sa sinabi ko. Bago pa siya makasalita nanghina bigla ang katawan ko at kumirot ang ulo ko.

Muntikan na ako matumba sa kirot ng ulo ko buti nalang nasalo agad ako ni Ace. Ginamit niya ang speed niya pati si Kevin para alalayan ako.

Napatulala ako ng may nakita ako kakaiba. May isang pamilyar na babae na nakasuot na itim na kasuotan at may hawak itong mahaba na espada. Tumatawa pa to kahit duguan na ang buong suot nitong damit.

The Royal Vampires Academy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon