Chapter 18

40K 1.5K 198
                                    

Tumama ang liwanag mula sa aking binatana kaya minulat ko na ang mga mata ko. Bumangon ako at nag-unat. Napangiti ako habang nakatingin sa aking bintana ng kuwarto. This is the short break that I was talking about! Yung tipong ang alalahanin mo lang ay ang pag-gising ng maaga tuwing papasok ka sa school. I miss those days.

Hindi na ako nag-sayang ng oras at nag-ayos na ako sa sarili. Hindi pa rin matanggal ang ngiti sa aking labi. Maybe I should keep myself away from negative people? At siguro sa susunod hindi na ako mabilis na maniniwala sa sinasabi ng iba because the more you trust, the more you'll get hurt.

Naabutan ko naman si Rachel binababa ang palda na suot niya. Napatawa nalang ako kagabi kasi nanghiram siya ng extra uniform sa akin para makapasok siya sa Moonlight Academy. Ihi-hypnotize niya nalang daw ang mga teacher doon para hindi siya mapansin na bago lang siya doon.

Napag desisyon ko naman bumisita or maybe let's say that I'm going to pretend that I'm still studying at my previous school. Because of the thought it gives me more excitement and I find it thrilling. Hindi naman siguro mahahalata iyon.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Akala ko ba sanay na siya sa maiksi na palda? Hindi ko maiwasan matawa.

"Bwisit na palda na to ayaw makisama!" nagagalit na sabi niya. Pumapadyak pa siya. Napailing na lang ako.

Bumaba na kami nakita ko si Sarah naka-make face lang siya, sana wag niya kami awayin mamaya mahirap magalit si Rachel naku. Pareho pa yang dalawa na ma-attitude.

Kumain na kami at lumabas, sumakay na rin kami sa sasakyan namin.

"Excited na ako sa school niyo." todong ngiti na sabi ni Rachel.

"Halata nga." natatawa na sabi ko.

"Ma'am nandito na po tayo" sabi ng driver. Tumango lang ako at sabay na kami ni Rachel bumaba. Sumalubong agad saamin ang sigawan.

"Kyahhh si Rachel Winston!"

"Swerte natin!"

"Shit ganda niya!"

Sa aking akala na ako ang i-susuprise nila pero tila nabihag na ng katabi ko ang mga tao dito kaya nakalimutan na nila na nadidirito pa ako.

Kumaway kaway naman si Rachel sa lahat habang ako ay naka-simangot sa tabi niya.

"Wow, sikat ka na." sabi ko sa kanya. Napalingon naman siya sa akin at natatawang pinalo ang braso ko kaya napangiwi ako sa sakit dahil sa lakas non.

"I was born to be a famous pero syempre handa ko sabihin sa buong estudyante na ikaw ang pinaka maganda, masipag at mabait kong kaibigan!" napatawa nalang ako at iniripan siya.

"Oo na lang." ang nasabi ko nalang.

"Hi guys!"napalingon kami parehas ng nakita naman sila Bea at Tyler.

"Nandyan na pala kayo halika na baka ma-late pa tayo." pag mamadali ko sa kanila. Hindi naman siguro nila mahahalataan na hindi na talaga ako nag-aaral dito, mga uto-uto naman ang mga ito kaya ayos lang.

Nahuli ko si pula na pa-simpleng sumusulyap kay Rachel kaya napangisi ako. Siniko ko siya at umubo kunwari kaya tinignan niya ako ng masama.

"What?!"iritado na sabi niya. Ngumisi ako sa kaniya.

"Kumilos kilos ka na at baka maunahan ka pa," pang asar ko at hahabulin niya sana ako na may sumulpot bigla sa harapan ko.

"Look what we have here." sarkastiko na bungad saamin ni Sarah. Inis ko nalang siya tinignan. Parang kanina tahimik lang ito tapos sumapi nanaman ang masamang espiritu sa kaniya. Nagbuntong hininga na lang ako.

The Royal Vampires Academy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon