Chapter 7

42.4K 1.7K 498
                                    

Bumalot ang katahimikan sa buong cafeteria. Tumahimik rin ang mga nag iingay na bampira at tila alam na kung ano gagawin kapag nagagalit si Ace. Lahat sa mesa ay simpleng naka yuko at nag hihintay ng sasabihin ulit ni Ace.

Napansin ko rin ang yelo na nasa lapag patungo sa aming mesa. Is this his powers or ability? Ice? Parang mas lalo ako nabilib sa kaniya. Vampires are really unbelievable and amazing but scary at the same time.

Tinignan ko lahat sila ay nakayuko at ako nalang ang naka tuwid, kailangan ko rin ba yumuko? Napatingin ako kay Ace na nasa akin rin nakatingin at pinapanood ako. Kumabog ang dibdib ko bakit niya ba ako tinitignan?

Lahat sila yata na-alerto sa galit ni Ace kahit simpleng titig lang ay napatahimik sila.

'Ganon ba talaga makapangyarihan ang titig ni Ace?'

Dahan dahan ako yumuko rin at napapikit pa. Nagdadasal sana alisin ang mga mata ni Ace na nakatingin sa akin. Nagsi sisi na pala ako dahil tumingin pa ako sa kaniya!

Lahat kami ay napatingala nang patabog na umalis si Ace at walang sinabi kung ano man.

Ang mga prinsipe sa mesa ay bumalik sa kani-kanilang gawain at nakita ko si Kevin na nakatingin sa akin at iniwas rin ang tingin.

"Buti nakahinga pa ako dun!" Sabi ni Blake saka huminga ng maluwag. Napalingon ako sa buing cafeteria naging normal na ang mga kilos ng mga bampira.

"Shut up, Blake." sabi sa kanya ni Jacob.

"A-ano nangyari?" Tanong ko habang tinitignan ang buong cafeteria, kinakabahan na baka sumulpot nanaman si Ace.

"Just don't make a noise when he's mad, he hates it. When you open your mouth and he's mad, he's going to pull your head out of your body." seryoso na sabi ni Kevin kaya tumaas ang mga balahibo sa katawan ko.

Natahimik na lang ako at pinatuloy ang pagkain. Tinignan ko si Daniel na wala ka-alam alam sa mga nangyayari, ngumiti na lang ako. Everyone respects Ace. Parang siya yung nagmumuno sa Academy na ito.

Malaki ang Academy na ito at may magagandang lugar kung saan pwede ka pumunta pero may ibang lugar rin na mahigpit pinagbabawal na puntahan at ang mga prinsipe lang pinapayagan.

Ganon ba na kahigpit si Ace? Ang mga tingin niy a sa akin ay nagpapadala sa akin ng kaba at takot. Galit kaya siya saakin? O naiirita? I used to be hated by everyone back then but this is different case for me. Hindi ko alam bakit may parte sa akin na kinakabahan at hindi mapakali.

Nagbuntong hininga na lang ako at pinagpatuloy ang pakain. At maya maya pa may lumapit saakin na estuyante na pormal pumunta saakin sa aking harapan.

"Kira." Tawag saakin at tila may gusto sabihin. Hinarap ko siya.

"Its ma'am Kira for you not Kira, miss." bigla sabi ni Dylan tinaasan ko siya ng kilay pero seryoso talaga sila. Napahiya ang estudyante ay hinarap ulit ako.

"Sorry po, ma'am kira tinatawag po kayo ni..." Sabi ng estudyante babae siya nanginginig tuhod niya. ano meron? May nanakit ba sa kaniya?

"Bakit ano yun? Wag ka matakot.." Sabi ko at hinawakan kamay niya, ang lamig ng kamay niya!

"Sino ang nagpapatawag sa kaniya?" Pormal na tanong ni James. Nanginginig pa ang babae siguro dahil nasa kaniya ang lahat ng atensyon ng mga prinsipe.

"S-si Master Ace po." nanginginig na sabi niya kaya mas lalo ako nagulat. Nanigas ako sa kinauupuan ko at napatulala ng ilang sandali. Eto na ba ang katapusan ko? Bakit niya ako pinapatawag? O kaya may ipapautos lang? But its break time forsake!

The Royal Vampires Academy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon