Arabian Knight (mild spg)

42.8K 884 1
                                    


Chapter 51:

Jasmine's POV:

"HOW FUCKÍNG DARE YOU TO HURT MY WIFE YOU SON OF A BÍTCH!" Dumadagundong na sigaw ni Ibrahim sa kinilala niyang ama.

Isang malakas na suntok ang nakita niyang pinakawalan nito at kitang kita niyang sa isang suntok na 'yon at agad din na nawalan ng malay tao ang kinilala niyang Papa.

"Ibrahim!" Sigaw niya sa pangalan nito nung akmang manununtok ulit ito.

Nabitin sa ere ang kamao nito, nakita na niya ang lakas nito nung may nangharang sa kanya para magahasa.

Kaya naman alam niya ang lakas nito, hindi naman sa ayaw niyang masaktan ang kinilala niyang tatay, pero mas concern siya kay Ibrahim dahil baka mabaliktad ang sitwasyon.

Ayaw niyang .mapahamak si Ibrahim dahil sa kanya.

Kitang kita niya ang sobrang dilim ng mukha nito habang nakatingin sa kanya.

Agad na tinawid nito ang distansya nila at saka siya walang sabi sabing binuhat nito.

"No buts, I'm trying not to get back there and kill him myself" malamig na sabi nito.

Napalunok naman siya dahil sa mababa at seksing boses ng asawa niya na may accent pa, pakiramdam niya parang lalong lumakas ang appeal nito.

Buhat buhat siya ng malakas at matitipunong mga muscles nito sa braso, dikit na dikit ang kalahati ng kaliwang dibdib niya sa matigas nitong dibdib, at alam niya kung gaano kaganda ang muscles nito sa dibdib pari na din ang mga pinong balahibo nito.

Magkahalong relief at kilig ang nararamdaman niya dahil dumating ito bigla at hindi niya alam na sinundan siya nito.

Kaya ba ito biglang nawala kasi sinundan pala siya nito?

Ang akala niya kasi, naiinis din ito sa kanya dahil binabara niya ito.

Pagkakita niya dito ngayon lang ay parang biglang nawala na lang ang lahat ng tampo niya dito.

Ang lakas lakas ng pintig ng puso niya, at pakiramdam niya kung may dog whisperer, dapat may heart whisperer, at sigurado siya, ang pangalan ni Ibrahim ang naiintindihan niyon.

Ang gwapo gwapo nito... lalaking lalaki ang itsura nito, kumapal ang balbas at bigote nito na nagbibigay dito ng isang suplado, at delikadong appeal na gustong gusto niya.

Napalunok siya nung bumaba ang tingin niya sa mga labi nito.

Ang mga labi nitong alam na alam niya kung paano siya lasingin sa halik, at paligayahin kapag bumababa ito sa pagitan ng hita niya.

Ang suplado nito, salubong pa ang mga kilay nito.

Bigla tuloy siyang nag blush ng todo nung biglang nagtama ang mga mata nila.

"What did I tell you?" Supladong sabi pa rin nito, ibinaba niya ang tingin.

"You didn't bother to listen..now look what happened?" Marahas nitong sabi at napamura pa ito, yukong yuko naman siya, oo at may kasalanan siya sa hindi pagkinig dito.

Pero hindi mo din masasabi na nasa kanya ang lahat ng kasalanan dahil hindi naman niya alam na ganoon pala ang mga bagay na nangyari bago pa niya naunawaan ang lahat.

Biglang bumalik sa kanya ang sinabi ng ama amahan niya...

Na hindi siya anak nito.

At anak siya ng Nanay niya sa ibang lalaki.

At ngayon, hindi niya alam kung sino ang totoong Papa niya.

Napasigok siya ng hindi sinasadya bago pa man niya iyon mapigilan.

Beautifully Damaged: Ibrahim (Emotional Deprivation Disorder)Where stories live. Discover now