Play

37.8K 972 21
                                    

Chapter 18:

Jasmine's POV:

Nagulantang siya mula sa pagkakatulog nung biglang nakarinig siya ng sunod sunod na katok mula sa pinto ng kwarto niya.

Anong?--

Inaantok at nahihilo pa rin at nanlalabong ang matang tumayo siya.

"Good morning, beautiful"

Kumurap kurap siya at kinusot ang mata at inalis ang muta doon, tapos ay ibinalik ang tingin sa pintong binuksan niya.

"Are you awake now?" Ulit ng boses na kilalang kilala niya.

Nanlaki ang mata niya nung nakita niyang nakatayo si Ibrahim sa pinto, nakangiti.

"Ahhh!" Tili niya at agad na isinara ang pinto saka sumandal doon.

Shít! Anong ginagawa ng lalaking 'to! Tili ng isip niya, habang ang puso niya, nagpasyang makipag karera sa dibdib niya.

Putek! Ang aga aga!

"Jasmine, open the door" narinig niyang sabi ni Ibrahim sa pinto.

"W-what? No! Manigas ka diyan!" Sabi niya dito habang natataranta kung ano ang gagawin, ngayon alam na niya ang feeling ng daga na nakorner ng pusa...arabong pusa, kagabi arabong daga ngayon naman daga?

Oo na hindi na siya pusa o daga, isa siyang big bird. Inis na sabi niya sa isip.

"Manigas? Oh you mean hard? Well, I am hard at the moment" narinig niyang sabi nito.

Pinagsasabi nito?

"Leave!" Sabi niya sa pinto ng malakas.

Wala siyang narinig na anuman dito.

Pinakiramdaman at pinakinggan na muna niya ang paligid, nakarinig siya ng yabag.

Tapos ay katahimikan.

Nakahinga siya ng maluwag.

Mukhang umalis na siya, mabuti naman--

Hanggang sa nakarinig siya ng isang mabilis na pinid ng pinto at bahagyang naitulak siya ng kung sinong pumasok sa kwarto niya, nakalimutan ba niyang i-lock iyon?

Nanlalaki ang matang tinignan niya ito.

"Get change" sabi ni Ibrahim sa kanya, saka ito nag iwas ng tingin .

Anong problema nito? Ito ang biglang pumasok sa loob at--

Napasinghap na tinignan niya ang sarili.

Tangina inalis ko 'yong bra ko!

"SHIT!" malakas na mura niya at tinignan ito ng masama, nakatingin ito sa ibang dako, pero alam niyang nakita nito iyon kanina.

"What are you doing here?" Masungit niyang tanong habang naniningkit ang mga mata.

Bigla niyang naalala ang halik nitong nagbabaga...ang sensasyon, ang sarap ng halik nito..

Ngayon naman ang amoy nitong napakabango at lalaking lalaki ang kumakalat sa kwarto niya.

Dalangin niya, sana hindi nito makita ang mga nípples niyang ramdam niyang naninigas.

Shet, tumigil kang uto--

Naging alerto siya at agad na umiwas nung bigla itong naglakad palapit sa kama niya.

Nakita niyang lumapit ito sa kama niya at agad hinila ang kumot doon, at nakaiwas pa rin ang tingin sa kanya nung inilapit nito ang kumot para ibalot nito iyon sa kanya.

Beautifully Damaged: Ibrahim (Emotional Deprivation Disorder)Where stories live. Discover now