Clear

37.3K 1K 47
                                    


Chapter 15:

Jasmine's POV:

"Fúck this! I don't like any woman!" Sabi ni Ibrahim.

Ano daw?

Ayaw nito ng babae?

B-bakla siya?

Si Ibrahim na sobrang gwapo, mayaman, lalaking lalaki ang dating, maganda ang katawan..pati na din si Bin Laden..

Parang may kung anong sumampal sa kanya.

Tangina, bakla siya?

Tinignan niya ulit si Ibrahim, hindi siya talaga makapaniwala, bakla ito?

Paulit ulit siya, oo pero hindi niya talaga kayang isiping bakla ito.

Hindi pala malas ang mapapangasawa ni Ibrahim, dahil wala, sayang ito.

Tanginaaaaa!!

Gusto niya tuloy kumuha ng panlinis ng tenga, dahil baka madami na siyang tutule at nariringgan lang niyang sinabi nito na ayaw nito ng mga babae.

Bigla tuloy lumipad ang utak niya ang at baka may rason ito kung bakit nito sinabi iyon.

Pero ano?

"That's not true!" Bumalik ang isip niya nung nakarinig siya ng sigaw mula sa babae.

"I stopped that harem, so it was the strong evidence of it" sabi ni Ibrahim at nakamata lang siya sa mga ito, hindi niya alam ang sasabihin niya, tinignan niya si Ibrahim at nakita niyang madilim na madilim ang mukha nito.

Sandali lang...

May sinabi itong harem, teka ano na nga ba--

Napasinghap siya nung narealized niya ang harem na 'yon, ibig sabihin..may sarili itong parang lugar na maraming chickababes na pinagsasawaan nito.

Kaya pala sabi ng babae, hindi siya naniniwala.

Kasi imposible nga namang bakla ito di'ba, na bigla na lang ayaw na nito ng mga babae, saka bakit kaya nito ipinatigil 'yon--

Natigilan siya sa pag iisip nung ibinalik niya ang tingin sa mga ito ay nakita niyang titig na titig na naman si Ibrahim sa kanya.

Diyos ko, huwag mo akong titigan ng ganyan! Tili ng isip niya dahil nagwawala na naman ang puso niya.

"That's impossible! Not unless you saw a wom--"

"Get her out of my sight..NOW!" napapitlag siya nung dumagundong ang boses ni Ibrahim, agad na nakita niya sa gilid ng mata niya ang Butler na hinila nito ang babae na tigagal sa lakas ng boses ng sigaw ni Ibrahim.

Hindi niya alam kung bakit pero parang galit na galit ito, at madilim ang mukha, pero bakit siya ang tinitignan nito?

Kinabahan tuloy siya.

"W-wala akong kasalanan b-bakit sa akin ka na-n-nakatingin?" Kandautal at ninenerbyos tanong, unaware na nagtanong siya sa Tagalog , saka lang niya narealized nung nakita niyang parang naguluhan ito.

Bigla itong naglakad kaya halos atakihin na siya.

Lalong lumakas ang nerbiyos niya nung tinawid nito ang distansya nila, pakiramdam niya, nalunok niya lahat ng laway niya sa kakalunok.

"I know, but why are you silently judging me on your eyes?" Sabi nito, ang kaninang madilim na mukha nito ay biglang napalitan ng...hinanakit?

Hala?

Beautifully Damaged: Ibrahim (Emotional Deprivation Disorder)Where stories live. Discover now