Diverting (mild spg)

36.5K 745 12
                                    


Chapter 39:

Jasmine's POV:

"Make sure that my wife never finds this out--what! Shít!" Napapitlag siya nung nakita niyang biglang ibinato nito ang cellphone.

At parang nabigla ito sa ginawa, lalo na nung narinig nito ang singhap niya .

Nakita niyang nagkabasag basag at nagkapirapiraso ang cellphone na ibinato nito.

Agad na bumalik ang tingin niya kay Ibrahim na parang nagulat ito lalo na at nakita niya ang ginawa nito.

"Jasmine.." Sabi nito sa kanya, siya lang ba or parang kinakabahan ito?

"A-anong nangyari?" Atubiling tanong niya.

Ngayon lang niya itong nakitang nagalit na ganoon na nasa point na sobrang galit nito may sinira ito.

Ano kayang meron?

Ano na ulit ang sinabi nito? Bakit may narinig siyang wife na sinabi nito? Siya siguro ang sinasabi nito di'ba? Not unless may iba pa itong asawa?

"N-nothing, it's from work, I just don't want you to stress about this" sabi nito at tinignan siya nito, tapos ay ang cellphone na nasa sahig.

Dahil ang pansin nito ay ang nasa cellphone nitong basag ay hindi  nito agad napansin na lumapit siya dito.

Tapos ay niyakap niya ito.

Hindi man niya alam kung ano ang nangyayari pero kilala niya ito, ayaw nitong mag aalala siya kaya kung anuman ang problema nito, kailangang nandoon siya para samahan ito.

Gusto niyang sabihin dito na mahal na niya ito, pero parang hindi sapat lang na dapat eh salita, dapat sa gawa, kaya naman sisimulan na niya.

Halata ang gulat nito sa ginawa niya, kaya naman natigilan ito.

"Huwag kang masyadong stressed, Ibrahim" sabi niya at pinalambing ng konti ang boses niya.

Kahit na malambing ang boses niya ay hindi naman niya maiwasang hindi bumilis ang tibok ng puso niya, yakap yakap niya ito at pinapalagay niya ang loob nito.

Sana naman magets nito sa body language niya na mahal niya ito at nandito lang siya sa anumang problema nito.

"Jasmine.." Narinig niyang sabi ni Ibrahim.

Inilayo ni Ibrahim saglit ang katawan palayo sa katawan ni Jasmine para tingnan nito ang mukha niya.

"B-bakit?" Kinabahan naman siya.

"Do you think I deserved to be with you?" Tanong nito.

Nabigla naman siya sa tanong nito.

Pero kailangan ni Ibrahim ang sagot ni Jasmine kaya naman tinignan ni Jasmine si Ibrahim ng diretso sa mga mata.

"H-hindi ko din alam kung deserve ko din na kasama kita.." Sabi niya kay Ibrahim.

Kita niya na napakurap si Ibrahim, at saka ito tumango ng konti.

"I see.." Sabi ni Ibrahim na parang naging malungkot ang mukha at boses nito.

"...kasi ang alam ko lang, I'm happy that I'm with you, Ibrahim" sabi niya ng matapat dito.

Ang alam niya, masaya siya kapag kasama ito, na siya ang asawa nito.

Para kay Jasmine, ang mas mahalaga ay magkasama sila ng masaya, na  silang dalawa lang, hindi iyong makukwestyon kung deserve ba ng isa't isa ang tao na nasa tabi nito.

Ngumiti siya dito, sukat sa sinabi niya ay tinignan siya nito at bahagyang nanlalaki ang mga mata.

Dalangin niya, sana naman maramdaman no Ibrahim na mahal niya ito, kahit hindi niya muna sabihin ngayon.

Beautifully Damaged: Ibrahim (Emotional Deprivation Disorder)Where stories live. Discover now