Trying enough (mild spg)

43.7K 805 4
                                    

Chapter 38:

Jasmine's POV:

Takip takip niya ang dibdib niya habang nakalubog naman ang ibabang bahagi niya sa tubig sa bathtub.

Pulang pula siya habang pigil ngiti naman si Ibrahim sa kanya.

"L-last na'to ha?" Mahinang sabi niya habang wala itong imik na ginagamit nito ang sponge sa katawan niya, kasalukuyang pinapaliguan siya nito.

Ikalawang araw na matapos nang may mangyari sa kanilang dalawa, at sa loob ng dalawang araw na 'yon, imbes na siya ang magpaligo sa sarili niya, ay ito ang nagpapaligo sa kanya.

"What's wrong with this?" Tanong nito sa kanya at parang wala itong nararamdaman na kakaiba habang sinasabon nito ang katawan niya, habang siya, kulang na lang umapoy at maluto ang kabibe niya.

Hindi niya alam kung bakit parang hinahanap hanap niya ang big junjun nito.

Parang gusto na talaga niyang gawing best friend si Bin Laden.

Bwisit.

Ganito din ang pakiramdam nung binibitin siya ni Ibrahim dati, pero mas malala ngayon.

Hindi na masakit ang kabibe niya, kahit na dalawang araw pa lang 'yon, parang mas nanaig ang mainit sa loob niya.

Kung bakit ba naman kasi ang landi landi mong kabibe ka! Naiinis siya sa sariling katawan.

Oo at nahihiya siya ngayong pinapaliguan siya nito dahil ayaw niyang malaman na gusto na niyang makadaupang palad ulit si Bin Laden.

Paano na lang kung hugasan nito ang kabibe niya at malaman nitong nanaig ang malanding bagong bukas na kabibe.

Sabi nito nung isang araw, kapag may lumabas na mura sa kanya eh bigla siyang aankinin nito, pero kanina, sinadya niyang magmura.

Pero wa epek, mukhang desidido itong magpagaling muna siya mula sa tinamong sugat sa pagsugod ng terorista.

Ayaw naman niyang sabihin dito, syempre may natitirang dugo pa ni Maria Clara sa kanya.

Kaya ngayon, ito ang naiisip niyang paraan muna para iwasan siya nito ng saglit para makapag isip siya ng plano niyang akitin ito.

Plano niyang akitin ito para ito mismo ang lumapit sa kanya.

Hindi na nga nito tinatanong kung masakit pa ang perlas ng silanganan niya, basta desidido itong alagaan siya, nang walang halong kalaswaan.

Pero siya, gusto niyang gawan siya ni Ibrahim ng kalaswaan.

Ang laswa na niya.

Ganito ba ang nagagawa kapag nakatikim na ang luto ng Diyos?

Grabe, ilang beses ko bang sinabi ang malaswa?

Napatingin siya dito, wala itong suot na damit kaya kitang kita niya ang nakakapanglaway nitong dibdib at abs, parang gusto niyang hawakan ang mga iyon, tapos pisilin, sundutin, halikan..kagatin.

Napalunok siya.

"What are you thinking inside that beautiful head of yours?" Tanong nito.

Eh kung sabihin niya kaya ditong sobrang pinagnanasaan niya ito?

Magugulat kaya ito?

Napasinghap siya nung dumako ang sponge sa ibabaw ng dibdib niya, sa init ng kamay nitong dumampi sa kanya, hayun at tuwang tuwa ang mga nípples niya na tumigas at nagpapapansin na kay Ibrahim.

Beautifully Damaged: Ibrahim (Emotional Deprivation Disorder)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon