Lock (mild spg)

33.3K 721 12
                                    

Chapter 43:

Jasmine's POV:

..."we will never separate" pagtatapos nito sa sinasabi at bago niya nahulaan ang gagawin nito, naramdaman niyang may dumapo ng kung anong bagay sa kamay niya.

Pagtingin niya ay nakita niyang may posas na siyang kakaiba, at laking gulat niya nung  ganoon din ang ginawa nito sa sarili nito!

"Shít!" Mura niya ng malakas.

Ipinosas nito ang sarili sa kanya!

"I told you..we won't..and never will" sabi nito at ngumiti na parang nakakaloko.

Bagay na ikina-init ng ulo niya.

"Nababaliw ka na! Alisin mo 'to!" May halong tiling sabi niya, nakaposas ang kanan niyang kamay habang ito naman at nakaposas ang kaliwang kamay.

Alam na alam ni Ibrahim na ang laging ginagamit na kamay ni Jasmine ay ang kanan nitong kamay.

Parang alam na alam nitong gagawa siya ng paraan para makatakas dito, pero babagal ang kilos niya kapag ang dominante niyang kamay ay hindi niya magamit.

Hindi niya maiwasang hindi nakiliti dahil sa balbon nitong braso na dumikit dikit sa kanya.

Manahimik ka diyan! Inis na saway niya sa naglalandi niyang sarili.

"Yes..." nakangiting sabi ni Ibrahim, at gamit ang isang kamay nitong libre ay hinila siya sa isang braso niya at napasandal siya sa dibdib nitong matigas.

..."crazy..for you" bulong nito sa tenga niya.

Inis na itinulak niya ito pero iisang kamay lang iyon kaya kulang sa pwersa, kaya sa inis niya sinuntok niya ito sa dibdib pero kulang pa rin sa pwersa dahil kaliwa iyon at hindi iyon ang dominante niyang kamay.

Parang sinasabi nito na wala siyang lakas na labanan ito, na hopeless siya..at wala na siyang magagawa.

Hindi niya tuloy napigilan ang mapahikbi at tuluyan nang kumawala ang palahaw niyang iyak.

Tuloy tuloy ang iyak niya at hysterical iyon at parang wala nang bukas kung umiyak siya.

Bagay na ikinataranta ni Ibrahim, na hindi alam kung paano siya patatahanin.

"Walanghiya ka talaga eh! Bakit ang sama sama mo Ibrahim! Bakit mo 'to ginagawa! Pakawalan mo na ako! Pinaglalaruan mo na ako!" Sigaw niya habang umiiyak.

Parang ang helpless na niya, at wala man lang nagtatanggol sa kanya.

"I'm not playing with you, Jasmine..I'm sorry that I'm doing this..but I love you so much that I can't bear of losing you.." Sabi nito, sumisigok na tinignan niya ito.

Malamlam ang mga mata nito, na parang nagsusumamong paniwalaan niya ito.

Ganito din nung una..

Tinignan niya ang kamay nitong isa, napakurap siya nung nakita niyang parang may hawak itong...susi?

Maliit iyon.

At sigurado siya, iyon ng susi ng posas na hindi niya maintindihan kung posas ba dahil malambot ang nakabalot na metal doon.

Nakaisip siya agad ng plano.

"Please Ibrahim, hindi naman kita iiwan eh, gusto ko lang tingnan si Papa.." Sabi niya at dumukwang ng konti para ilapit niya ang mukha dito, ilang dangkal ang layo ng labi niya sa labi nito.

At titig na titig ito sa mga labi niya.

"Para tignan kung ano na ang lagay niya..please" patuloy niya at binagalan niya ang pagsasalita at dinilaan niya ang labi niya at konti na lang ay madidilaan na niya ang labi nito.

Beautifully Damaged: Ibrahim (Emotional Deprivation Disorder)Where stories live. Discover now