Fool

30.4K 778 6
                                    


Chapter 49:

Jasmine's POV:

"Jasmine.." Agad na tumayo ang lahat ng balahibo niya sa katawan pagkarinig sa boses na kilalang kilala niya simula pagkabata.

Kinagat niya ang labi at hindi sumagot dito.

"Pasok ka na, anak" narinig niyang sabi nito sa intercom sa labas, at tapos ay dahan dahan siyang pumasok sa loob ng bahay na tinutuluyan nito.

Napatigil siya sa paglalakad nung niya na niya ulit nung nakarinig siya ng tikhim sa paligid.

Pagharap niya ay nagtama ang mata nila ng taong akala niya ay hindi siya papabayaan.

Agad na nagsibalikan ang lahat ng nangyari sa kanya.

Nakita na nakatayo doon ang Papa niya habang nakangiti sa kanya.

Tinignan niya lang ito, pumayat ito ng bahagya, nanlalalim din ang mga mata nito, walang kislap ang mga iyon.

Walang siyang tuwang nararamdaman habang nakatingin dito dahil sa muli nilang pagkikita, bagkus parang may kung anong dumagan na galit sa dibdib niya na gustong bumangon.

Tinignan niya ang bahay kung saan ito nakatira, maganda ang bahay na tinutuluyan nito.

Galing sa sugal.

Pati na din ang mga suot nito ngayon, kung hindi niya ito kilala, iisipin niyang may kaya ito sa buhay.

Habang tinitigan niya ito, parang hindi na ito iyong Papa niya na nakilala niya.

"Kumusta ka na anak?" Tanong nito, hindi niya alam kung para saan ang tanong nitong iyon gayong alam nito ang ginawa nitong pambebenta sa kanya.

"Heto, masaya din naman kahit binenta ng sariling ama" pormal niyang sabi, habang ang mukha niya ay nanatiling diretso.

Narinig ni Jasmine ang mahabang buntong hininga nito.

"P-pasensya na anak, nagipit lang ak--"

"Kahit na gipit ako noon sa pagpapagamot kay Nanay, hindi ako umisip ng ilegal na gawain" putol niya sa sinasabi nito.

Saglit itong parang natigilan.

"S-sorry talaga anak, hayaan mo at--"

"Balita ko may sakit daw kayo" sabi niya, malungkot itong tumango.

"May kanser ako sa tiyan anak.." Sabi nito, bumuntong hininga siya, kahit naman malaki ang kasalanan na ginawa nito sa kanya, ayaw pa din naman niyang pabayaan ito.

"Pumunta tayo sa doktor nina Ibrahim, para matulungan kita, sumama kayo sa'kin pabalik" sabi niya dito, nakita niyang natigilan ito ulit

"P-pero may doktor ako dito at sila ang kasalukuyang gumagamot sa akin, hindi pwedeng bigla na lang akong aalis--"

"Eh di papuntahin niyo po sila dito, at nang makausap ko tungkol sa sitwasyon ng sakit niyo" sabi niya.

Tumango ito.

"Tatawagan ko siya mamaya, halika muna anak, kumain ka muna--"

"Hindi na ho, may bahay po ako" sabi niya ng pormal.

Tinitigan naman siya nito.

"H-hindi ka ba minamaltrato doon?" Tanong nito, marahas siyang napatingin dito.

"Mabait sila, lalo na iyon taong pinagbentahan niyo sa'kin" sabi niya dito, totoo naman ang sinabi niya, mabait si Sir Kazim, isa sa mga ipinagpasalamat niya.

Beautifully Damaged: Ibrahim (Emotional Deprivation Disorder)Where stories live. Discover now