Care

41.2K 1.1K 112
                                    


Chapter 12:

Jasmine's POV:

Inaantok na umupo siya sa sofa sa opisina ni Ibrahim, ang tagal ng meeting nito, halos alas dose na eh ang oras na nagsimula ang mga ito alas otso.

Hindi naman niya alam kung kelan matatapos ito, nasa isang conference room ang mga ito sa building na ito.

Tumayo siya para kumuha ng pagkain mula sa refrigerator na binili ni Ibrahim para sa loob ng opisina nito.

Dahil malawak ang opisina nitong parang pent house ay may parang kusina na ito doon.

Simula kasi nung naiwan siya nito ay bumili na ito para daw hindi siya magutom, naalala niya ang sinabi nito nung kabibili lang nito.

..that's for you, I don't want to see that you're getting hungry..

Nag thank you siya dito kahit na sa loob niya ay kilig na kilig siya...sobra.

Bigla niyang naisip na concern ito sa kanya.

Napangiti siya dahil nagkakaroon na ito ng pakialam sa ibang tao.

Narinig niya ang usapan dati ng mga empleyado, nagkakaroon na daw ng emosyon ang robot nilang boss.

Ayaw niyang sabihin kay Ibrahim ang narinig baka magalit ito at mawala ang nakuha niyang bagong emosyon na umusbong dito.

Sandali lang--

Bigla niyang naalala nung may muntik nang may mangyaring masama sa kanya, tumawag ito ng naglilinis sa kanya at nagpaluto din ito ng pagkain niya.

Ibig sabihin, doon pa lang, mag pakialam na ito!

Gusto niyang batukan ang sarili dahil hindi niya agad napansin iyon, pati na din iyong sinabi nito dati na magpahinga muna siya bago niya ito turuan ng Tagalog.

Namula siya nung naalala kung paano siya sinubuan ng pagkain nung gabing iyon.

Parang ang mahalaga para dito nung sandaling iyon ay ang makakain siya ng maayos.

Pinigilan niya ang sarili na huwag kiligin dahil natutulungan na niya ito.

Pero nakakakilig talaga siya eh.

Noon pa pala iyong naramdaman niyang parang kiliti sa puso eh, kilig na pala.

"Hayyy Ibrahim" sabi niya at napabuntong hininga.

"Yes?" Napatalon siya mula sa pagkakatunganga nung narinig niya ang boses nito.

"Ibrahim!" Nagulat niyang sabi, nakagat niya ang loob ng bibig.

Nahuli siya nito. Nakakahiyaaaa.

"Why are you calling my name?" Tanong nito habang pormal ang mukha.

Napalunok naman siya.

Dali! Isip!

"I-i was ju-just wondering when will the meeting--"

"It's finished" putol nito sa sinasabi niya, nagtaka siya dahil parang namamaos ito? At parang pagod na pagod itong napaupo sa swivel chair nito, tapos ay napapikit ito.

Tinitigan niya ito.

Nang makalapit siya ay agad niyang napansin na parang maputla ito.

May sakit yata siya..

"Do you feel sick?" Tanong niya at on instinct ay bigla niyang nailagay ang likod ng palad sa noo nito.

Nagulat siya nung biglang nagmulat ito ng mata at  hinawakan nito ng mahigpit ang kamay niya, bigla siyang kinabahan dahil sa itsura nito.

Beautifully Damaged: Ibrahim (Emotional Deprivation Disorder)Where stories live. Discover now