Bells

39.2K 855 62
                                    

Chapter 30:

Jasmine's POV:

Tinitignan niya ang daliring may singsing na, hindi niya alam pero ang bilis ng mga nangyayari, parang kahapon lang nung dumating ang tatay ni Ibrahim tapos napapayag siya ni Ibrahim sa kasal.

Tapos kanina, nagpipirma na siya ng marriage contract, at ngayon, nasa banyo siya at tinitigan ang singsing niya.

Ang wedding ring niya.

Kasal na siya.

Napalunok siya, sa bilis ng mga pangyayari, hindi na siya magugulat kung bukas Lola na siya.

Hindi niya alam kung paanong parang hinayaan na lang niya si Ibrahim sa lahat ng ginawa sa kasal, parang isang linggo lang, tapos ikinasal na siya.

Hindi naman niya alam na may kompetisyon pala sa pabilisan ng kasal?

Anong place kaya sila ni Ibrahim kung may kompetisyon nga?

Naalala niya ang tatay ni Ibrahim, matapos kasing pumayag ito..at siya sa kasal, bigla na lang itong nawala, gusto niyang tanungin si Ibrahim, pero hindi niya magawa.

Kasi nahihiya din siyang itanong iyon dito, saka nahuli sila ng tatay nitong balbon ang bibig.

Baka kasi ano na nangyayari dito.

Isa pa, may sakit ito.

Pero paano niya sasabihin kay Ibrahim kung nasaan ang tatay nito? Alangan namang sabihin niyang malapit nang mamatay ang tatay nito.

Diyos ko, anong gagawin ko?

Hindi niya alam ang gagawin, lalo at kanina lang bago ang kasal may dumating na sulat galing sa foreign affairs at tinanong kung magka ano ano sila ni Ibrahim.

Parang pakiramdam niya, isa iyong sign na dapat hindi niya tanggihan ang kasal, dahil baka ang hinihimas na ni Ibrahim kinabukasan ay ang selda na.

At hindi ikaw? Tudyo ng isip niya.

Namula siya.

Naalala niya kasi bigla kung paano siya pinaligaya ni Ibrahim nung araw na pumayag siya sa kasal na inalok nito, nakagat niya ang ibabang labi.

Hindi niya alam kung paano ito tingnan minsan lalo na nung naalala niya kung paano siya bumukaka na parang palaka, habang hinahayaan niya itong mag piyesta sa pa piyesta niya ng 'tahong'.

Aysus gustong gusto mo nga eh!

Napasimangot siya.

Hindi naman niya dine-deny, kasi totoo namang masarap ang ginawa nito.

Ikaw ba naman, isang sobrang gwapong lalaki, na parang pangarap lang, nasa pagitan ng hita niya? At pinapaligaya siya, syempre hindi lang puso niya ang pinaligaya nito, pati ang perlas ng silanganan niya.

Napatingin siya sa sarili.

Hindi maikakaila na talagang blooming siya, ang alam niya kapag ang babaeng may asawa pag blooming eh, sagana sa dilig.

Eh siya? Ano?

Sagana sa pakain?

Tangina, tumigil ka nga Jasmine!  Saway niya sa sarili.

Speaking of pakain.

Natigilan siya.

Kung kanina kasal niya, eh di mamaya..h-honeymoon nila?

Napamura siya.

Anong gagawin niya? Makikita na naman niya si Bin Laden ..ganoon? Paano na? Mawawarak na ba ang kabibe niya?

Beautifully Damaged: Ibrahim (Emotional Deprivation Disorder)Where stories live. Discover now