Bothered

36.7K 1K 109
                                    

Chapter 14:

Jasmine's POV:

Nakangiting inayos niya ang mga papeles na nasa library ni Ibrahim, mamaya maya ay tuturuan na naman niya ito ng Tagalog.

Hindi niya alam ang ginagawa nito pero ang bilis nito matuto ng Tagalog, sa tulong kaya ng mga dictionaries nito?

Dalawang linggo na din ang nakalipas nung pinuri siya nito, at dalawang linggo na din nung nasilipan niya ito.

Napangiti siya.

Pero biglang nawala ang ngiti niya nang maalala niya ang mga nararamdaman niya dito nitong mga nakalipas na araw, laging ito na lang ang naiisip niya, ang inaalala niya lagi, oo parte iyon ng trabaho niya, pero parang..

Iba na tinatrabaho ko.

Hindi niya kasi maintindihan ang sarili minsan para siyang lukaret na nababaliw na nakatingin dito, lalo kasi itong nagiging gwapo dahil ngumingiti ito.

Naiinis siya na ewan dahil pinagtitinginan ito ng mga Miss Balut de balbon na empleyada ni Ibrahim.

"Mistress Jasmine"

Napatalon siya sa gulat dahil sa biglang pagtawag sa pangalan niya.

Paglingon niya ay nakita niya ang Butler sa may pinto at parang kanina pa ito doon.

Napangiwi siya ng lihim, sana naman hindi nito nakita na para siyang Sisa.

"Yes?" Hinamig niya ang sarili.

"A phone call from Master Harrun" sagot nito, nagtaka naman siya.

"Sir Kazim?" Tanong niya, magalang itong tumango at isinara ang pinto para bigyan siya nito ng privacy.

Bigla siyang natuwa dahil marami siyang ibabalita dito.

"Sir Kazim! Hello!" Masayang bati niya dito.

Tumawa ng mahina ang nasa kabilang linya.

"My dear Jasmine, how are you? Did my son and you are getting along?"  Tanong nito.

"Yes! We're getting closer, and in fact, we are friends!" Nakangiting sabi niya, kailangan niya ng konting pagsisinungaling para talagang mapatunayan niyang close na sila ni Ibrahim.

"Friends? Really? That's a good news! But how?" Takang tanong nito.

"I don't know when, but you're son is kind, maybe it started when I took care of him when he's sick" kwento niya, napansin niyang natigilan ang nasa kabilang linya.

Nakagat naman niya ang ibabang labi dahil parang natamaan yata ito.

Bato bato sa langit, ang tamaan bigotilyo.

"Are you triggering my conscience my dear?" Biglang tanong nito.

"Uhm, I was just updating you, but I'm sorry of I offended you Sir" sabi niya dito, nagulat siya nung biglang nakarinig siya ng malakas na tawa galing dito.

"Did I get you alarmed?" Tanong nito habang tumatawa, napaawang naman ang labi niya dahil niloko lang pala siya nito.

Eh kung sabihin ko kaya sa'yong pag nagsasalita ka parang nag ootso otso iyong bigote mo?

Pero pinigilan niya ang sarili, baka bigla itong bumalik at baka magbago isip nito sa anim na buwan.

"Anyway, what emotions did you already get from him?" Tanong nito, biglang nawala ang inis niya dito.

"He can apologize, and says thank you, and he's smiling to me now" masayang sabi niya.

"Only to you?" Tanong nito.

Beautifully Damaged: Ibrahim (Emotional Deprivation Disorder)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें