Warm

45.5K 1.1K 27
                                    


Chapter 5:

Jasmine's POV:

Pupungas pungas siyang bumangon para umupo at nagkamot ng ulo.

Unang araw ko na pala bilang yaya.

Napatingin siya sa oras, wala pang alas singko, anong oras ba siya natulog kahapon?

Ang alam niya medyo maliwanag pa.

Okay na din 'to. Pagpapalakas loob niya sa sarili.

Wala talaga kasing mangyayari kung magmumukmok siya dahil ibinenta siya, saka na niya iisipin kung ano ang sasabihin sa Papa niya pag nagkita sila ulit.

Sa ngayon, ang iisipin niya ay kung paano alalagaan ang isang malaking tao.

At paano maging yaya.

Nag isip siya, since mayaman ang mga ito, impossible na wala ang mga itong negosyo.

Sandali lang..ano na nga ba iyong sinabi ni Kazim?..hmm tama!

Naalala niya may sinabi itong pagmamay ari daw nito ang oil company? Iyon yata?

Ano bang posisyon ni Ibrahim sa negosyo?

Wala siyang maisip na gagawin para dito.

Agad siyang naligo at ginamit ang mga nandoon na shampoo, gusto niya ang amoy ng mga sabon at shampoo na nandoon kaya naman nag enjoy siya sa paliligo, pati na din ang oil bath.

Pakiramdam lahat ng kasuluk-sulukan ng katawan niya eh, mabango.

Masaya siyang pumili ng mga damit na inihanda ni Kazim--

Dapat tawagin ko siyang Sir.

Tumango tango siya.

Pagtingin niya sa bedside table at nakita niyang five minutes na lang at alas sais na.

Agad siyang nagpalit ng blouse at jeans na nakita niya doon at isinuot ang sandals, at saka siya lumabas.

Naabutan niya ang isang kasambahay na naglilinis ng mga vases doon, agad itong yumuko at parang takot itong nagsalubong ang tingin nila.

"Good morning, do you know where could I find Ibrahim?" Tanong niya dito at pilit niyang hinuhuli ang tingin nito.

"He's still asleep, mistress, do you want to have a breakfast now?" Sabi nito.

Napangiwi siya sa tawag nito.

"Just call me Jasmine, and no, I'm not hungry yet" sabi niya dito at ngumiti at nakita niyang tinignan siya nito.

"But Master Harrun said we should call you, Mistress--"

"I insist, call me Jasmine" pilit niya dito.

"Where is his room?" Tanong niya ulit dito, yumuko ito ulit at magalang na inimwestra ang kamay.

"That room, Mistress" sabi pa rin nito.

Nagulat siya sa itinuro nitong kwarto.

Katabi lang iyon ng kwarto niya.

Agad siyang nagpaalam dito at kumatok sa pinto ng kwarto nito.

"Sir Ibrahim.." Sinadya niyang palambutin ang boses, at kumatok ng medyo malalakas.

Kumakatok siya ulit nung biglang bumukas ang pinto at dahil nandoon pa ang kamay niyang kasalukuyang kumakatok ay nakita niyang dibdib na palang matigas ang kinakatok niya.

Beautifully Damaged: Ibrahim (Emotional Deprivation Disorder)Where stories live. Discover now