Stop

31.6K 789 3
                                    


Chapter 47:

Jasmine's POV:

"I will let you go, Jasmine..." Sabi ni Ibrahim sa kanya.

Simpleng salita.

Konti lang 'yon kung tutuusin, pero hindi niya alam pero parang gumuho bigla ang lahat sa kanya.

Gumuhit ang sakit sa dibdib niya sa narinig, parang napilas ang puso niya.

Parang may humarang sa dadaanan ng hangin sa lalamunan niya, at nahihirapan at huminga ngayon.

Tama ba ang dinig niya?

Pinapakawalan na siya ni Ibrahim? Kanina ay gusto niyang makawala mula sa pagkakaposas, pero sa sinabi nito, hindi niya alam kung bakit parang iba ang ibig sabihin ng sinabi nitong pakakawalan na siya nito.

Kung kanina ay malakas ang tibok ng puso niya dahil sa nerbiyos sa anumang sasabihin nito, ngayon naman,  parang tumigil hindi lang ang tibok ngayon ng puso niya, pati na din ang inog ng mundo niya.

Parang sa tingin niya, may dumukot mula sa dibdib niya sa naisip na ang ibig sabihin ng sinabi ni Ibrahim na pakakawalan na siya nito ay hihiwalayan na siya nito.

Hindi...

Nangilid ang luha niya sa mata dahil sa naisip, hindi iyon mapigilan ng isip niya na pwedeng hihiwalayan na nga siya nito, dahil sa itsura at ekspresyon ng mukha nito pati na din ang mata, imposible na hindi iyon ang naiisip nito.

Nararamdaman niyang iyon ang ibig sabihin nito.

Gustong gusto na niyang pumalahaw ng iyak

Nang marinig niya ang buntong hininga nito at ang papalayong yabag nito ay parang naalis ang sementong nasa paa niya.

Pakiramdam kasi niya, kapag nakaalis na ito sa kwarto, hindi na niya ito makikita.

Sa isiping iyon, para siyang mamamatay.

Hindi pwede.

Hindi ko pa nasabing mahal ko siya! Sigaw niya sa isip.

"I will notify the driver to accompany you when you go to your father and--"

Tama siya.

Hihiwalayan na nga siya nito.

Mabilis niyang tinakbo ang distansya nila at saka ito niyakap mula sa likod nito, nakapaikot ang mga braso niya sa bewang nito.

"Jasmine.." Narinig niyang sabi nito, sukat nung tinawag nito ang pangalan niya, nag uunahan na sa pagtulo ang mga luha niya.

Nung naramdaman niyang gusto nitong pumihit para tingnan siya at agad niyang hinigpitan ang yakap dito.

Parang kapag binitiwan niya ito, mawawala na lang ito basta sa kanya.

"S-sandali lang.." Sabi niya habang kinokontrol ang sariling huwag pumalahaw ng iyak dahil hindi niya kayang mawala ito, mahal na mahal niya ito.

At hindi pa niya nasasabi ang bagay na 'yon.

Alam niyang alam na nitong umiiyak siya dahil nababasa na niya ang damit nito.

At hindi na din niya napigilan ang sigok na kumawala sa kanya..

Narinig niya ang pag buntong hininga ito.

"Jasmine..why are you c-crying?" Narinig niya ang pagkabasag saglit ng boses nito, kaya naman lalo niyang hinigpitan ang yakap dito.

"I-ibrahim please.." Hindi niya alam kung ano ang ipinapakiusap niya, natatakot siyang marinig ang ayaw niyang marinig dito.

Na gusto na siyang hiwalayan nito.

Beautifully Damaged: Ibrahim (Emotional Deprivation Disorder)Where stories live. Discover now