Torn

37.5K 1K 14
                                    


Chapter 17:

Jasmine's POV:

Ang first kiss ko..

First kiss niya si Ibrahim..

Nang binitiwan nito ang labi niya ay para siyang lasing na tinignan ito.

"I won't let you go, Jasmine" sabi ni Ibrahim sa kanya at binalikan nitong halikan ang labi niya, wala sa loob na sinalubong niya iyon, parang instinct na dahil nagustuhan niya iyon.

Halos hindi niya naiintindihan ang sinasabi nito dahil bigla siyang nalasing at ang naririnig niya ay ang parang daloy ng dugo niya sa tenga niya at ang pagdagundong ng tibok ng puso niya.

Gumapang ang malaking kamay nito sa batok niya at napapikit siya dahil lumalim ang halik nito, kanina ay madiin ang halik nito, ngayon parang ninanamnam ang lasa ng bibig niya.

Naramdaman niya ang pagpulupot ng braso nito paikot sa bewang niya at pinaglapit ang katawan nilang dalawa.

Para siyang nawawalan ng hangin sa katawan pero hindi naman siya gumagalaw, napasinghap siya nung hinuli ng mga labi nito ang ibabang labi niya at saka nito dinilaan iyon tapos ay marahan nitong kinagat kagat.

"Your lips are far more softer and sweeter than I imagined.." Sabi nito saglit at hinalikan siya ulit, parang hindi nito mapagdesisyunan kung kelan ito titigil at hihinga na parang kapag iniwan nito ang labi niya, bigla siyang mawawala.

Medyo humigpit ng konti ang yakap nito kaya dumikit ang dibdib niya sa matigas nitong katawan kaya hindi niya napaghandaan ang malakas na kuryente na dumaloy sa kanya.

May sensasyon at kuryente din siyang nararamdaman sa halik nito pero kakaiba nung dumikit ito sa kanya.

Ganito pala...

Binalikan ng dila nito ang dila niya at inikot ikot nito iyon, dahilan para umalpas sa kanya ang isang ungol.

Walang anumang pandidiri ang nararamdaman niya dahil sa ginagawa ng labi at dila nito, para nga siyang nalulunod pero sa paraang gustong gusto niya, at parang lalong uminit ang paligid dahil sa halik nito.

Saglit na nanghinayang siya nung bigla nitong binawi ang halik at masuyong hinalikan nito ang pisngi niya at pumunta iyon sa likod ng tenga niya, napasinghap siya dahil sa kiliti dulot ng bigote nito.

"You smelled delectable.. so innocently feminine" paos na sabi nito sa tenga niya, naipikit niya ang mata at napatingala siya nung marahang kinagat kagat nito ang tenga niya.

Bakit ganito ang nararamdaman niya? Bahagyang iminulat niya ang mata.

Ramdam niya ang init at basa nitong labi at dila sa tenga niya, ang pagsinghap nito ng hangin habang ibinaon nito ang mukha sa buhok niya.

"Ahh Jasmine.." Narinig niyang ungol nito sa pangalan niya, paos na paos ang boses nito.

Ang sexy pakinggan ng pagkakasabi nito sa pangalan niya.

Kabababa ng labi nito sa leeg niya at hinalikan nito iyon nung biglang kumalat ang ilaw sa paligid.

Napasinghap siya ng malakas at para siyang nagising sa isang panaginip.. mainit na panaginip.

Malakas niyang itinulak si Ibrahim at parang nagulat din ito kaya naman nabitiwan siya.

Diyos ko! Anong ginawa ko!

Nanatiling nakatingin sa kanya si Ibrahim...lalo na sa labi niya.

Parang gusto nitong balikan ang labi niya, at buhatin siya nito papunta sa kwarto nito at doon siya halikan ng buong magdamag.

Beautifully Damaged: Ibrahim (Emotional Deprivation Disorder)Where stories live. Discover now