Shotgun

41.3K 936 12
                                    


Chapter 28:

Jasmine's POV:

"I will marry Jasmine" sabi ni Ibrahim sa kanya ng walang kagatol gatol.

Tulala siya dito.

Ano daw sabi nito?

Para siyang natulig ng husto.

Wala sa loob na itinulak niya ito at saka niya inalog ang tenga niya.

Sobra na yata siya sa drama sa TV, dahil kung ano ano na naririnig niya.

"A-ano ulit sabi mo?" Tanong niya dito.

Parang slow motion ang pagngiti nito, pati na din ang unti unting paglapit nito sa kanya.

Parang ito na lang yata ang nakikita ng mata niya sa mga oras na 'yon.

Pakiramdam niya, parang sasabog ang puso niya dahil parang may narinig siyang sinabi nitong pakakasalan siya nito.

Para kasing imposible.

Hindi naman kaya umaatikabo na naman ang pagiging ambisyosa niya?

Kailangan ko na talagang maglinis ng tenga oras oras.

"I said I will marry you" sabi ni Ibrahim sa kanya.

Shet.

Confirmed.

Kailangan ko na ng bonggang paglilinis ng tenga.

"Say something, Jasmine" sabi nito.

"Ha?" Takang tanong niya.

"I just proposed to you" sabi naman ni Ibrahim.

"Proposed?" Tanong niya, hindi niya alam kung paano pa niya ito naririnig dahil parang nasa tenga na niya ang tibok ng puso niya.

"Was that the solution you think? To marry her?" Mahina ang pagkakasabi niyon pero para siyang nagising.

Napasinghap siya.

Pakakasalan nga siya ni Ibrahim?

"Tangina.." Naiusal niya, tama nga ang dinig niya.

"Yes, I will marry her" narinig niyang sabi ulit ni Ibrahim.

Tulala naman siya.

At para siyang referee ng isang tennis at nagpapalipat lipat siya ng tingin sa mga ito.

Bakit siya pakakasalan ni Ibrahim? Ano na nga ulit ang sitwasyon?

Pakiramdam niya para siyang matutuyuan ng utak dahil sa mga naririnig sa mga ito.

From the top, nahuli kami ni Sir Kazim sa kwarto ko, tapos si Ibrahim pwedeng makulong at pwedeng mawala ang negosyo ng mga ito? Tapos ang naiisip ni Ibrahim ay ang pakasalan ako?

Para ano? Mailigtas ang negosyo at ang sarili nito?

At maging siya para hindi madeport?

Pero parang mas okay na yata siyang madeport para makauwi na siya..tama?

Pero sa naisip niya, parang mag kung anong masakit sa dibdib niya, dahil ang alam niya, pag na deport na siya, hindi na yata siya makakabalik dito sa bansang ito.

At isa lang ang ibig sabihin niyon.

Hindi na niya makikita si Ibrahim..kahit na kailan dahil makukulong din ito.

Anong gagawin ko?

Para siyang nasa isang sitwasyon na wala siyang pwedeng irason para makaalis sa sitwasyon na 'yon.

Beautifully Damaged: Ibrahim (Emotional Deprivation Disorder)Where stories live. Discover now