Awkward

34.2K 881 6
                                    

Chapter 31:

Jasmine's POV:

"I have mens Ibrahim!" Mabilis niyang sabi dito.

At sabay silang nagulat sa sinabi niya.

Kinagat niya ang loob ng bibig, dapat hindi iyon ang sasabihin niya, hindi iyon ang nasa isip niyang excuse.

Ang dapat na sasabihin niya..bigyan siya ng oras nito.

Dahil bago pa lang sa kanya ang mga bagay bagay, lalo na ang sekswal na bagay.

Gusto niyang sabihin dito na natatakot siya.

Pakiramdam niya, ilang taon na silang nasa kwartong iyon habang nakatingin lang ito sa kanya.

Kaya naman ang awkward awkward ng pakiramdam niya, at sabi doon, nag desisyon siyang mauna nang magsalita.

"U-uhm I--"

"You shouldn't be apologizing for it"

"P-pero na--"

"No Jasmine, I know it's a natural phenomena for women, so I understand" sabi nito ulit at pinuputol ang lahat ng sasabihin niya, at bago pa man siya ulit nakaimik ay bigla siyang iniupo nito at agad na niyakap.

Nahigit naman niya ang hininga at agad na nag rigodon ang puso niya.

Ramdam na ramdam niya ang malakas na tibok ng puso nito habang yakap siya, ramdam niya iyon, lalo na at wala talagang space sa pagitan nila.

Kaya naman sabay na nararamdaman niya din ang tibok ng puso niya sa matigas nitong dibdib.

Parang ang yakap nito ay para sa isang bata na kinakalinga nito.

Bigla tulog siyang na- guilty.

Kumunot ang noo niya nung parang naramdaman niyang parang may kung anong dumampi sa ibabaw ng ulo niya.

Hinalikan ba siya nito sa ulo?

"I'm going to take care of you.." Sabi nito at dumoble tuloy ang tibok ng puso niya.

Napangiti siya sa kilig.

Kinagat niya ang labi para pigilan iyon.

Pero natigilan siya.

Inaatake na kasi siya ng konsensya niya.

Inilayo niya ang katawan mula sa pagkaka yakap nito at ibinuka niya ang bibig para magsalita.

"Ibr--"

Hindi na niya natapos iyon nung biglang bumaba ang mukha nito at namalayan na lang niyang dinampian nito ng ilang segundong halik ang mga labi niya.

Parang idinikit lang nito ang halik na parang gusto ang nito malaman kung malambot ba ang labi niya.

Nakamulagat na nakatitig siya dito habang mabilis na mabilis ang tibok ng puso niya.

Napakurap siya nung titigan siya nito matapos ang halik, at hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya.

"Sweet.." Sabi ni Ibrahim sa kanya kaya naman namula siya.

Halos hindi naman niya alam ang gagawin niya.

Kailangang maiiwas niya ang pagtitig nito sa kanya.

Dapat may sabihin siya.

Di'ba meron?

Teka? Ano na nga ulit sasabihin ko?

"It's really a wonder how you blush like this.." Sabi nito habang hinahaplos ng hinlalaki nito ang mga pisngi niyang lalong namumula.

Beautifully Damaged: Ibrahim (Emotional Deprivation Disorder)Where stories live. Discover now