Brewing

33.6K 997 19
                                    


Chapter 19:

Jasmine's POV:

"Well, good evening to you both" sabi ng isang boses at nanlaki ang mga mata niya.

Napalunok siya.

At napatitig sa bagong dating na si Sir Kazim.

"Why are you always here in my house?" Narinig niyang sabi ni Ibrahim, nung tinignan niya ito, nakita niyang salubong ang kilay nito.

Hanggang sa nagulat na lang siya nung inilagay ni Ibrahim ang kamay nito sa bewang niya at hinila siya palapit..ng medyo marahas.

Hindi naman sa nananantsing siya pero dahil bigla siyang hinila palapit sa katawan nito ay on instinct ay nailagay niya ang kamay sa dibdib nito.

Napasinghap siya at kinakabahang tinignan niya ang tatay nito, nakita niyang biglang naging seryoso ang tingin ni Sir Kazim, nung ibinalik naman niya ang tingin kay Ibrahim ay salubong at mas seryoso ang mukha nito.

Ano bang nangyayari sa mag ama?

Tumaas ang kilay ni Sir Kazim at tinignan siya tapos at ang kamay ng anak nito sa bewang niya para naman siyang napapasong inalis ang kamay ni Ibrahim sa bewang niya.

Doon na siya tinignan ni Ibrahim, at hindi niya maintindihan dahil parang naiinis ito sa ginawa niya.

"I see" biglang naagaw ni Sir Kazim ang pansin niya, kumunot ang noo niya.

"Yes" matigas na sabi ni Ibrahim.

Napakurap siya sa ginagawa ng mga ito, pakiramdam niya talaga gaya nung una kung mag usap ang mga ito ay parang wala siya sa harapan.

"Can we talk then?" Sabi ni Sir Kazim sa anak, tumango lang si Ibrahim at umalis na sa harapan nila ang tatay nito.

May pakiramdam akong malapit na yata akong bitayin.

"Get inside your room" utos ni Ibrahim sa kanya.

"B-but--" naputol ang sasabihin niya nung inilagay nito ang isang daliri sa labi niya at tinitigan nito ang daliring nandoon na nakalapat sa labi niya.

Napalunok siya.

"Just follow my order, Jasmine" sabi nito at napakurap naman siya dahil sa paraan ng pagsabi nito sa pangalan niya.

Parang...parang--

Parang ambisyosa lang. Siya na din ang pumutol sa iniisip niya.

Imposible naman kasi na maging tunog malambing ang boses nito habang tinatawag nito ang pangalan niya.

Ayaw niyang umasa na may nararamdaman ito sa kanya.

Kasi siya mismo, ayaw niyang matuloy kung anuman ang nararamdaman niya dito, may naiwan siyang buhay sa pilipinas.. kahit na sabihin mong wala nang pakialam sa kanya ang tatay niya, may pakialam pa rin siya sa naiwan ng Nanay niya.

Wala sa loob na pumasok siya sa loob ng kwarto niya at nahiga, pero nakatulala.

Ang nasa isip niya at ang pag uusapan ng mag ama, kung magiging maayos ba ang mga ito?

Ipinilig niya ang ulo.

Kailangan niya na ibaling ang pansin sa ibang bagay kaya naman binuksan niya ang TV para manood.

Pero parang halos wala doon ang pansin at atensyon niya.

Kaya naman napapitlag siya sa katok ng pinto ng kwarto niya, at saka lang napansin madilim na ang buong kwarto niya.

Beautifully Damaged: Ibrahim (Emotional Deprivation Disorder)Where stories live. Discover now