Deal

49.3K 1.2K 65
                                    

Chapter 3:

Jasmine's POV:

Ang lakas lakas ng tibok ng puso niya habang ito ay walang kurap yatang nakatingin sa kanya.

Ngayon parang gusto na niyang magsisi kung bakit hindi siya bumibili ng mga pampaganda, pakiramdam niya sa sobrang gwapo nito, nakakapangit na ng husto.

At ang tangkad tangkad nito, nasa limang talampakan at apat na pulgada siya, pero parang sa harap nito para siyang dwende.

"Are you my father's new woman?" Tanong ng gwapong mama, ang baba baba ng boses nito, dumagdag ang accent nito, parang naging sexy iyon sa pandinig niya.

Pero nanlaki ang mata niya sa tanong nito.

"E-excuse me, but no--"

"THEN WHAT THE HELL ARE YOU DOING INSIDE MY FATHER'S ROOM!" pakiramdam niya tumalon ang puso niya mula sa pinaglalagyan niyon sa dibdib niya dahil sa sigaw nito.

Napaatras siya.

Umabante naman ito.

Parang ang nipis ng hangin sa paligid.

Lalo na at hanggang sa kakaatras niya dumikit na ang likod niya sa isang bagay.

Halos nagkakahingahan na nga sila.

At nako-conscious siya doon.

At nahihirapan na siyang huminga dahil mainit ang suot niyang mascot costume.

At dumagdag ang mainit na panahon, parang lalo yatang naging mas mainit sa pilipinas?

"H-he brought me here" mahinang sabi niya at yumuko, nung wala siyang nakuhang sagot dito ay tinignan niya ito at doon niya nakita na titig na titig pa rin ito sa kanya na parang inaalam ang buong pangyayari kanina.

"And why did you cry?" Sabi nito sa isang malambing na boses?

Imagination lang niya iyon..

Tama.

Dahil kanina ay parang naiinis ito na hindi niya alam kung bakit.

Hindi siya nagsalita at nagulat siya nung bigla nitong hinawakan ang leeg niya.

"You're sweating too much" sabi nito sa mahinang boses.

At napakurap siya nung parang lumalapit ang mukha nito sa kanya.

"Why are you wearing this funny thing" ewan niya kung tanong ba nito iyon sa kanya or tanong nito iyon sa sarili nito.

Nanlaki ang mata niya nung lalong lumapit ang mukha nito sa kanya at naramdaman niya ang kamay nitong dumapo sa likod niya at inaabot ang zipper doon!

Isang manipis na sando at short lang ang suot niya sa loob!

Napasinghap siya at itinulak ito.

Siya namang bukas ng pinto at sabay silang napatingin doon.

At tumambad sa kanila ang matandang lalaki kanina.

"Jasmine, come here my dear" sabi nito, agad niyang nakita na mabilis na bumalik ang tingin sa kanya ng gwapong estranghero.

Napalunok siya nung nakitang parang galit ulit ito.

"Father, don't you think she's too young for you?" Sabi ng lalaki at napasinghap siya.

Iniisip talaga nito na--na..

Ewwww.

Wala siyang balak na patulan ang mas matanda, saka isa pa sino ba ang lalaking ito?

Beautifully Damaged: Ibrahim (Emotional Deprivation Disorder)Where stories live. Discover now