Twist

41K 999 8
                                    

Chapter 27:

Jasmine's POV:

Agad siyang namutla nung nakita ang taong tulalang nakatingin sa kanila.

Pakiramdam niya...talagang bibitayin na siya nung nakita ang taong nakatayo doon.

Agad na humarang sa paningin niya ang katawan ni Ibrahim na pumunta sa harap.

"Don't you know how to knock?" Narinig niyang matalim na sabi ni Ibrahim sa Tatay nito.

"Cover yourself, don't just stare at him Jasmine" mariin at supladong sabi ni Ibrahim.

Bagamat kanina ay nabigla siya sa ginawa nitong paggapang sa kanya hindi niya napigilan ang magsalubong ang mga kilay niya.

Ano na naman ba ang problema nito?

"I did knocked.. few times, but it seems you're both busy " narinig niyang sabi ni Sir Kazim at para siyang nabuhusan ng malamig na tubig at dali dali siyang pumunta sa banyo para magbihis.

Habang nasa banyo siya ay hindi niya mapigilan ang pagsisintemyento niya.

Hindi ko naman kasalanan na ginapang na pala ako ng arabong janitor fish 'yon eh!

Namula siya nung nakita niya sa singit niya na may mga pulang marka siya habang nagbibihis.

Napamura siya.

At alam niyang, wala pa 'yon kagabi, tinignan niya ang sarili sa salamin.

Meron din sa tiyan, sa puson lalo na sa mga dibdib niya ..pati na din sa ibabaw ng nasa pagitan ng hita niya.

Kita niya iyon lalo na at nag wax siya.

Pulang pula ang mukha niya dahil sa ginawang connect the dots na ang ginawang pattern ni Ibrahim sa markang iniwan ng mala janitor fish nitong paninipsip.

Ang alam niya mabilis din siyang magising, pero paano nang--

Napapitlag siya sa biglang narinig na pagkatok sa pinto.

"I- I will be out in a minute" kinakabahan niyang sabi.

Saka niya naalalang kailangang harapin niya si Sir Kazim dahil sa nadatnan nitong eksena kanina, ano nga ba ang sasabihin niya.

Na ang guardian na itinalaga nito ay biglang naging--

Teka? Mag ano ba kami ni Ibrahim?

Hindi naman siguro parang 'yong nasa pelikula na friends with benefits na pahapyaw niyang napanood sa karinderya dati, kasi hindi naman sila friends ni Ibrahim.

Saka wala pa naman talagang nangyayari sa amin eh.

Pero paano iyong nag 'I love you' ito sa kanya? Tapos iyong 'pakain' niya ng tahong?

Shít ampangit ng term ko. Namumulang sabi niya.

Hindi naman siya tinanong ni Ibrahim kung ano na  sila, ang sinabi nito, pag aari siya nito.

Saka, gusto niya din ito pero hindi niya alam kung mahal na niya ito eh, hindi naman kasi niya alam kung ano ang pagkakaiba ng gusto at mahal, baka sobrang gusto lang niya ito, at baka kug sinabi niyang mahal niya ito kahit hindi niya alam kung mahal niya nga, baka magiging unfair siya dito.

Kung bakit naman kasi walang nanligaw sa kanya dati at hindi siya nanonood ng mga romantic movies dati.

Saka hindi naman siguro siya makakasuhan ng child abuse dahil yaya siya nito dati, saka malayo na ito para maging child.

Beautifully Damaged: Ibrahim (Emotional Deprivation Disorder)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon