CHAPTER 42

484 4 0
                                    

RAYE'S POV

"Ano bang ginagawa natin dito?" nagtatakang tanong ng Tenth King.

Nasa isang park kami at pinapunta kami rito ni Darius, isang park na walang mga tao maliban sa amin.

Maliit lang ang park na ito at nasa mataas na bahagi ang lugar na ito kaya natatanaw namin ang mga kabahayan na nasa ibaba.

Isang village ang lugar na ito at ang mga bahay na nakita namin dito ay walang nakatira.

"Malay ko sa Headmaster natin," maarteng sambit ng Ninth Queen.

"Nakakainis! Ang hot pa naman ng araw ngayon," maarte ring sabi ng Fifth Queen.

"Palagi namang mainit ang araw," dinig kong bulong ng nasa likuran kong si Theon. "Hoy, ikaw! Baka may ideya ka kung bakit tayo pinapunta rito?" bulong pa niya sa akin.

"Tch! Wala nga rin," naiinis na sagot ko.

Tirik na tirik ang araw dito sa park kaya ramdam ko ang pagtulo ng mga pawis ko.

May nakita naman akong isang kulay dilaw na paruparong lumilipad kaya sinundan ko ito ng tingin at nakita kong tumungo ito sa kabilang direksyon kung nasaan ang mga kabahayan dito sa village.

Bumaling ako saglit sa mga kasamahan ko at nang mapansing abala sila sa iba't ibang gawain ay mabilis akong naglakad para sundan ang paruparo.

Nagpalinga-linga ako sa paligid nang hindi ko na 'yon makita pa at nang tumalikod ako ay muli ko itong nakita kaya sinundan ko ulit.

Huminto ito sa tapat ng isang bahay na mayroong tatlong palapag. Bukas ang bintana ng bahay na 'yon kaya pumasok doon ang paruparo.

Lumingon muna ako sa paligid dahil baka may makakita sa aking pumasok sa loob ng bahay. Nang makitang wala namang tao sa paligid ay hinawakan ko agad ang doorknob at hindi ko naman inaasahang bubukas ito, hindi naka-lock.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob nang makapasok ako para tingnan ang mga nasa paligid.

Lahat ay malinis. Walang kalat sa sahig. Ang tv ay nakabukas dahilan para kabahan ako. Sa tingin ko ay may tao rito.

Nagtungo naman ako sa kusina at nakitang punong-puno ng stock ang ref dito. Malinis ang table at mayroong apat na upuan na nakapasok sa ilalim ng mesa. Lahat ng mga gamit ay nasa maayos na lagayan.

Sunod ko namang tinungo ang hagdanan at umakyat dito dahilan para makita ang isang kwarto.

Pumasok naman ako sa kwartong 'yon at nakita ko sa loob ang paruparo na tumagos sa pader na nasa likuran ng tv.

Mabilis akong lumapit doon at hinawakan ang pader kung saan tumagos ang paruparo ngunit hindi naman tumagos ang kamay ko roon.

Namamalikmata lang siguro ako sa nakita ko.

Napabuntong-hininga ako at umatras ngunit nakita kong muli ang dilaw na paruparo na lumabas mula roon sa pader.

Natigilan ako nang unti-unti itong magkatawang tao, isang babae. Nakasuot siya ng dilaw na dress na mayroong mga design na paruparo at nagkikintaban doon ang mga crystal.

"Do you intend to leave this world?" mahinahong tanong niya habang nanatiling seryoso ang tingin sa akin.

Umiling naman ako.

Tumango-tango siya at pinagmasdan ang kabuuan ko. "You seem familiar to me. Are you one of those whom the Omnipotent sent here?"

Pinagkunutan ko naman siya ng noo. "Yeah," nasagot ko na lang.

LDWCB1: A Princess Power [COMPLETED]Where stories live. Discover now