CHAPTER 02

3.5K 64 0
                                    

UNIQUEEN FREYA'S POV

Pumunta na ako sa canteen para umorder ng pagkain, pagkatapos ay umupo na sa pinakadulong upuan para walang maka-istorbo sa akin at wala masyadong maingay.

Hindi kasi ako sanay sa maingay na paligid, mas gusto ko ang tahimik na lugar.

May lumapit sa aking isang babae. Maganda, mukhang matalino at malakas. Nagtataka naman akong napatingala sa kaniya.

"Can I sit here?" pagtatanong niya sa akin at tinuro ang upuan sa harapan ko.

Tumango na lang ako dahil hindi ko yata kayang tanggihan ang katulad niyang babae.

"Thank you," sabi pa niya.

Babaeng-babae siya kumilos. Mahahalatang siya ang tipo ng taong karapat-dapat talagang irespeto, igalang at tingalain. Kahit sa simple lamang na kasuotan at ayos ng sarili niya ay lumilitaw pa rin ang kaniyang angking kagandahan.

"By the way, I'm Emiñarin Sacurinda, I'm the First Queen."

Ano raw? First Queen? Nasa harapan ko ngayon ang First Queen? Panaginip ba ito?!

Sinampal ko ang sarili ko at nasaktan naman ako. Natatawa siyang napatingin sa akin.

"Are you okay? Why are you slapping yourself?" tanong niya sa akin.

"Ah, hindi ba ito panaginip?" tanong ko sa kaniya.

"Hahaha, you're funny. Of course you're not dreaming! Hello? Nandito kaya ako sa harapan mo, totoong-totoo at kinakausap ka," natatawa niyang sambit.

Napangiti na lang ako dahil sa kahihiyan.

Ano bang ginagawa mo, Yuni? Nakakahiya ka!

"Hehehe, ako nga pala si Uniqueen Freya Xendry. Call me Yuni nalang," pagpapakilala ko.

"Oh, nice to meet you." Inilahad niya ang kamay sa akin at inabot ko naman ito.

"Nice to meet you too," sambit ko. "Bakit ka nga pala naupo rito?" tanong ko ulit sa kaniya.

"Napansin ko kasing nag-iisa ka kaya naman sa 'yo ako lumapit. Wala rin kasi akong kasama, e," sagot niya.

"Nasaan na 'yung ibang Kings at Queens? Bakit hindi mo sila kasama?" takang tanong ko.

"Ah, sa totoo lang ay may lima kasing umalis sa pwesto nila bilang Hari at Reyna. Kaya ako, ang First King, Sixth Queen, Seventh King at Tenth Queen nalang ang natitira," tugon niya. "Kung dati ay twenty kami, lima nalang ang natitira sa amin ngayon, kabilang ako. Ang dalawang Hari at dalawang Reyna na kasama kong magpunta rito ay biglang nawala kaya mag-isa na lang ako ngayon," dugtong pa niya.

"Kung ganoon, ano namang nangyari sa iba pa? Kasi kung may limang umalis tapos lima na lang kayong natitira, sampu lahat 'yon. Nasaan ang iba pang sampu?" puno ng kuryosidad na tanong ko.

LDWCB1: A Princess Power [COMPLETED]Where stories live. Discover now