CHAPTER 24

937 24 0
                                    

RAYE WEST'S POV

"Ano kaya ang magiging reaksyon ng mahal mong babae kapag nalaman niyang nagsinungaling ka sa kaniya?" Ang mga larawang nasa ibaba ko ay lumipad pabalik sa Headmaster na mabilis niya ring kinuha. "Ipapadala ko sa kaniya ang mga larawang ito."

"Hindi ko ginustong makipagrelasyon kay Hairel!" pigil ang inis na sigaw ko.

Tumawa pa muna siya bago magsalita. "Hindi mo ginusto, pero bakit tumagal kayo ng anim na buwan?"

Inis akong napabuntong-hininga. "Hindi ganoon kadaling makontrol ang mga kapangyarihan ko." Lumakad ako palapit sa kaniya. "Kung pinapasok lang ako sa palasyo ng Planet Tycon, hindi sana ako aabot sa puntong 'yon! Wala na akong nakikita pang ibang makakatulong sa akin maliban sa kaniya kaya pumayag ako sa kagustuhan niya! Kaunting panahon na lang ang natitira sa akin nung panahong 'yon---"

"Bago masira ang seal at lumitaw ang Prinsesa?" tanong niya habang seryosong nakatingin sa akin.

"Oo!" malakas na sagot ko. "At kapag sa mga oras na 'yon ay hindi ko pa rin kontrolado ang kapangyarihan ko, maaari naming ikapahamak!" Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili. "Sige..."

Napuno naman ng pagtataka ang tingin sa akin ng Headmaster.

"Walang problema sa akin kung ipapadala mo 'yan sa Prinsesa." Tukoy ko sa mga larawang hawak niya. "Magkwento ka sa kaniya kung 'yon ang gusto mo, pero may isa akong pakiusap." Diretso ko siyang tiningnan. "Ang banggitin mo lamang sa kaniya ay ang mga nangyari sa akin dito. Hayaan mong ako mismo ang magpakilala ng sarili ko sa kaniya, kung sino at ano ako."

Hindi ko na hinintay pang magsalita ang Headmaster dahil mabilis akong tumalikod at lumakad palabas ng palasyo.

Sa totoo lang ay inaasahan ko na umpisa pa lang na ang lahat ng napag-usapan namin ni Hairel ay aabot sa Headmaster.

Nang makarating ako sa lugar na walang katao-tao ay pinalitaw ko sa harapan ko ang portal patungong Planet Blaker.

"Bakit ka naparito?" Sinalubong ako ng isang lalaki pagkarating ko sa Planet Blaker, si Soren.

"Nasaan si Hairel?" tanong ko habang dire-diretso pa ring naglalakad at nalampasan na siya.

Naramdaman ko namang sumunod siya sa akin. "Magkasama sila ni Veisha, gusto mo bang tawagin ko?" Tumango ako sa kaniya.

Nagpaalam naman ito sa akin at umalis kaya naiwan akong mag-isang nakatayo habang nakaharap sa mataas na pader.

Naramdaman ko namang may sumulpot bigla sa likuran ko. Hindi ko na ito nilingon dahil kilala ko na kung sino ito.

"Bakit mo ipinaalam sa Headmaster namin ang tungkol sa mga sinabi ko sa 'yo?" mahinahong tanong ko habang nakatalikod pa rin sa kaniya.

Lumakad naman siya papunta sa gilid ko kaya hindi ko na naiwasang harapin siya. "Why? Is there something wrong with that? Isa kang Hari at nararapat lamang na malaman ng Headmaster niyo ang mga impormasyon tungkol sa pagkatao mo."

Napatingin ako nang diretso sa kaniya. "Ang mga larawan, bakit mo ipinadala 'yon sa Headmaster?"

"Ginawa ko 'yon dahil alam kong pupuntahan mo ako rito kapag nagkataon," sagot niya at pinadausdos ang kaniyang palad sa braso ko, pababa sa kamay ko.

LDWCB1: A Princess Power [COMPLETED]Where stories live. Discover now