CHAPTER 45

116 3 0
                                    

AXENT'S POV

"Venice!" sigaw ko at mabilis na humarang sa harapan ni Venice nang makita kong nagdudugo ang malaking hiwa sa kanang braso niya.

Paano ko ba mapapaalis ang dalawang wolf na nasa harapan namin?

"Aaaawoooooh!" alulong ng dalawang wolf.

Bilisan mong mag-isip, Axent!

Hindi ko alam kung paano o ano ang nangyari, basta pagdilat ko mula sa pagkakahiga ay nasa isang hindi pamilyar na lugar na ako. May diretsong daan na pasikot-sikot ngunit bumabalik lang din ako sa lugar na pinanggalingan ko. At doon ko lang napagtantong nasa isa akong maze.

Sa haba ng oras na sinayang ko sa paglilibot sa maze na ito upang hanapin ang daan palabas, sa wakas ay may nakita akong kasama rito at 'yon ay si Venice na inaatake ng dalawang wolf.

"Axent! Sirain mo 'yung collar nila!" sigaw ni Venice.

Tiningnan ko naman ang itim na collar sa leeg ng dalawang wolf. Humanap ako sa paligid ko ng pwede kong gamitin para masira ang collar nila ngunit wala akong nakitang kahit anong gamit. Hindi rin ako makagamit ng kapangyarihan sa lugar na ito.

Wala sa sariling nilapitan ko ang mga wolf na unti-unti namang umatras hanggang sa tuluyang dumapa sa harapan ko nang wala nang maatrasan.

"As I expected," biglang pagsasalita ni Venice. Bumaling naman ako sa kaniya. Inilingan niya lang ako nang tangka ko siyang lapitan para tulungang tumayo. "They are female wolves. Alam nilang hindi ka nila kaya kaya umatras sila papalayo sa iyo."

"Huh?"

"Tanggalin mo 'yung collar nila."

Puno ng pagtataka akong bumaling sa dalawang wolf at kinakabahang hinawakan ang isa sa mga ito para tanggalan ng collar. Sinunod ko namang tanggalan ang isa na nasa kanan.

Patalikod akong tumumba sa lupa nang mabilis na tumalon sa akin ang dalawang wolf at dinilaan ang bibig ko.

What the heck?!

Si Venice naman ay kinuha ang dalawang collar na tinanggal ko. "They have collars on them that make them aggressive."

Pinilit ko namang ialis sa pagkakadagan sa akin ang dalawang wolf para makapagsalita. "Sila ba ang dahilan kung bakit may sugat ka sa braso?"

"Ah, ito?" Turo niya pa roon saka umiling. "Dahil ito sa parasite na inatake ako kanina. Siya ang nagkabit ng collar sa dalawang wolf na 'yan bago pa siya tuluyang mawalan ng buhay."

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" nakakunot ang noo kong tanong ngunit tumawa lang siya. "Paano kung napatay ko pala sila, 'di ba?"

"Hahahaha." Napatulala ako sa kaniya nang tumawa siyang muli. "Alam ko namang hindi mo 'yon magagawa."

Inutusan niyang umalis mula sa pagkakadagan sa akin ang mga wolf saka inabot sa akin ang kamay niya upang tulungan akong makatayo ngunit hindi ko 'yon tinanggap at tumayo mag-isa dahil ayaw ko siyang mahirapan.

Inabot ko sa kaniya ang panyo ko para ipamunas niya sa sugat niya. "How's your baby?" mayamaya pa'y tanong ko.

Mayroon pa rin akong naramdamang kaunting kirot sa dibdib ko nang itanong ko 'yon sa kaniya ngunit ipinagsawalang-bahala ko na lang 'yon.

Napayuko siya at marahang hinimas ang tiyan niya. "We're fine, they protect me and my baby." Tukoy niya sa dalawang wolf na nagpapaikot-ikot sa kinatatayuan niya.

LDWCB1: A Princess Power [COMPLETED]Where stories live. Discover now