CHAPTER 36

977 13 0
                                    

FREYA'S POV

"Umalis ka na rito," malamig kong sabi sa lalaking nasa tapat ng gate ng mansyon namin. "Huwag na huwag ka nang magpapakita pa sa akin." Hindi ko na siya hinintay pang magsalita dahil basta na lang ako umalis palayo sa gate.

"Sigurado ka ba sa desisyon mong 'yan?"

Gulat pa akong napatingin kay kuya na nasa gilid ng pader, mukhang narinig niya ang pinag-uusapan namin kanina ni Raye.

"Bakit naman hindi?" walang gana kong tanong. "It's for the better."

"Better?" Sumunod siya sa akin papasok sa loob ng mansyon. "Sana hindi mo pagsisihan 'yan."

"Marami na akong nagawang desisyon sa buhay ko na pinagsisihan ko. Hindi na ako tatablan pa kung magsisi man ako sa ginawa ko ngayon."

"Hindi mo man lang pinakinggan ang paliwanag niya." Batid kong naiinis na sa akin si kuya, pero wala akong pakialam.

"I don't need explanations. Sapat na para sa akin ang mga nakita ko."

"'Yan ang hirap sa 'yo, e!" Humarang siya sa harapan ko. "Hindi ka marunong makinig sa paliwanag ng iba at basta-basta na lang nagdedesisyon mag-isa!"

"Jiro!" Biglang sumulpot sa likuran ni kuya si Mom. "Bakit mo sinisigawan ang kapatid mo?"

Tiningnan pa muna ako ng masama ni kuya bago humarap kay Mom. "Hiwalay na sila ni Raye," mapait niyang sabi rito.

"Ano?" hindi makapaniwalang tanong ni Mom.

"Pagsabihan mo 'yang anak mo dahil ayaw na ayaw kong makita 'yang umiiyak kapag naging masaya na si Raye sa piling ng iba habang siya ay pinagsisisihan pa rin ang naging desisyon niya," huling sabi niya bago tuluyang umakyat ng hagdan.

Sinundan pa siya ng tingin ni Mom bago bumaling sa akin. "Bakit kayo naghiwalay ni Raye?"

Seryoso ang itsura niya. Sa bagay, ang buong pamilya ko ay botong-boto kay Raye para sa akin.

"Nagsinungaling siya sa akin," sagot ko.

"Paanong nagsinungaling?" tanong pa ni Mom. Naupo naman kami sa may sofa.

"Sa loob ng halos tatlong taon naming magkarelasyon ay kailan ma'y hindi siya nagsinungaling sa akin." Inalala ko ang mga nakita kanina. "Umalis siya sa bahay namin kanina at nagpaalam na pupunta kay Vlad, pero nung lumabas ako ng bahay namin para sana pumunta kay Yze ay nakasalubong ko siya na may kasamang babae. Hindi kasama si Vlad, tanging silang dalawa lang ng babaeng hindi ko kilala ang magkasama," nakangiwing dagdag ko pa.

Magkasama na kaming naninirahan ni Raye sa iisang bahay simula nung mag-first anniversary kaming dalawa.

"Tinanong mo ba siya kung sino ang kasama niyang babae?" tanong ni Mom.

"Hindi, tinatamad akong magtanong." Napayuko ako at kinutkot ang mga daliri sa kamay. "Nung nakita ko siya kanina ay napatingin din siya sa akin. Nagtangka siyang lapitan ako, pero mabilis akong tumakbo palayo sa kaniya at pumunta rito sa mansyon. Pagkapasok na pagkapasok ko ng gate ay tinawag niya ako, hindi ko nga akalaing susundan niya pala ako hanggang dito."

LDWCB1: A Princess Power [COMPLETED]Where stories live. Discover now