CHAPTER 28

790 16 0
                                    

UNIQUEEN FREYA'S POV

Nagsuot lang ako ng sando at pants habang ang buhok ko ay hinayaan ko lang na nakabagsak.

Tsk. Bakit ba kailangan ko pang ayusin ang sarili ko? Pupuntahan ko lang naman si Raye!

Napabuntong-hininga naman ako at napailing. Ilang saglit pa ay lumabas na rin ako ng kwarto ko.

Papunta pa lang ako sa kwarto ni Raye nang magbukas 'yon. Bakas naman ang gulat sa mukha niya nang makita ako. Iba na ang suot niya ngayon at basa pa ang buhok niya, halatang bagong ligo.

Mukha siyang may pupuntahan.

Nagulat naman ako nang hawakan niya bigla ang kamay ko. "Samahan mo ako."

Nag-umpisa naman siyang maglakad habang hawak-hawak ako.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko, pero hindi niya ako sinagot.

Nang makababa kami sa sala ay wala nang tao roon, hanggang sa makalabas kami ng palasyo ay wala kaming nakasalubong na kahit sino maliban lang sa mga kawal na nagbabantay sa labas.

Habang naglalakad kami ay bigla niyang binitawan ang kamay ko. Hinubad niya ang suot niyang jacket at ipinatong 'yon sa balikat ka.

Nagugulat man ay sinuot ko pa rin ang jacket niya dahil nilalamig din ako. Nang masuot ko na ang jacket niya ay hinawakan niyang muli ang kamay ko.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" kunwaring inis na tanong ko para sumagot siya.

"May imi-meet lang ako," sagot niya habang patuloy pa rin kami sa paglalakad.

"Eh, bakit kasama pa ako?" takang tanong ko na napatingin pa sa kaniya.

Tumingin din siya sa akin. "Gusto ko lang," nakangiting sagot niya.

Napaiwas naman agad ako ng tingin sa kaniya at muli na lang tinuon ang atensyon sa daan.

Huminto kami sa paglalakad, nandito kami sa isang park. Tanging ang mga poste lang ng ilaw ang nagsisilbing liwanag sa kinatatayuan namin ngayon.

Lumitaw bigla mula sa lupa ang isang lalaking nakasuot ng itim na cloak.

"Soren," pagtawag dito ni Raye. "Kakailanganin mo na ba ngayon?"

"Oo, dala mo ba?" tanong din ng lalaking si Soren.

"Nag-uumpisa na ba?" pagtatanong pang muli ni Raye.

"Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming nakakalap na impormasyon patungkol doon. Marahil ay hindi pa ito nag-uumpisa ngunit bilang paghahanda ay ninanais na naming makuha ang susi. Kinakailangan na naming mabuksan ang gate sa lalong madaling panahon upang maipaalam na namin sa mga mamamayan na nakatira sa kabilang parte ng gate ang tungkol sa IOP," mahabang sagot ni Soren.

IOP? Gate? Ano 'yon? Anong pinag-uusapan nila?

Bumitaw sa akin si Raye at may kinapkap sa bulsa niya. "Hindi ko hawak ang susi sa ngayon, hahanapin ko pa. Hanggang kailan mo pwedeng makuha?"

"Hihintayin kita rito hanggang ngayong hatinggabi," sagot ng lalaki at biglang naglaho.

Napatingala naman ako sa malaking orasan na nandito sa park.

LDWCB1: A Princess Power [COMPLETED]Where stories live. Discover now