CHAPTER 05

2.4K 45 0
                                    

UNIQUEEN FREYA'S POV

Dumating na ang guro namin kaya naman umayos na ako ng upo at nakinig sa mga sinasabi niya.

"Open your book on page three," utos ni Ma'am Certy sa amin. Agad naman naming binuklat ang librong hawak namin.

Si Ma'am Certy Xuon ang ikatlo naming guro na siyang magtuturo sa amin kung paano gumamit ng mahika at espada nang sabay.

"Makikita niyo sa pahinang 'yan ang iba't ibang uri ng espada. Ang activity niyo ngayong araw ay mamimili kayo ng isa sa mga espadang nandiyan. Kapag nakapili na kayo ng espadang gusto niyo ay isa-isa kayong tatayo rito sa harapan, sasabihin niyo kung anong numero ang napili niyong espada at ipapaliwang kung bakit ito ang napili niyo. Kayo rin ang magbibigay ng pangalan sa espadang mapipili niyo at ipapaliwanag kung bakit 'yon ang pangalang binigay niyo. I'll give you five minutes and after that we will start," sambit ni Ma'am bago umupo sa upuang nasa likod ng table sa harapan.

Nakapili na ako ng espada at makalipas ang limang minuto ay nagsimula na ang mga kaklase kong sabihin kung ano ang napili nilang espada hanggang sa ako na ang sumunod kaya naman tumayo na ako at nagpunta sa harapan.

"Good afternoon, everyone. The sword I chose is the number 39. I'll name it Bios," pag-uumpisa ko. "Aside from the fact that blue and yellow are my favorite colors, I also thought that this sword was suitable for me. The reason I named it Bios is because Bios means life. And a sword can be used to protect and defend our lives. That's all, thank you."

Pumalakpak naman ang mga kaklase ko pagkatapos kong magsalita. Bumalik na muli ako sa upuan ko at nakinig sa mga sumunod pang magsasalita.

Nang matapos nang magsalita ang lahat ay nagsalita na muli ang aming guro.

"Natapos na natin ang activity ngayong araw kaya dumako naman tayo sa proyektong inyong gagawin. Ang proyektong ito ay hindi lamang para sa akin, kundi maging sa klase nila Ms. Reon at Ms. Menri," saad niya. "Ang proyektong gagawin niyo ay espada. Ang espadang napili niyo sa activity natin ngayon ang espadang gagawin niyo ng inyong partner," dagdag pa niya.

"Sino pong magpa-partner, Ma'am?" pagtatanong ng kaklase kong lalaki.

"Ang partner niyo ay ang partner niyo rin sa klase ni Ms. Menri kanina," sagot ni Ma'am.

"Ehhh? Paano naman po kapag hindi nagustuhan ng ka-partner ko 'yung espadang napili ko?"

"Oo nga pooo."

"Nakakakaba naman!"

"Bahala na!"

Samut-saring bulungan ang nangibabaw.

"Huwag kayong mag-alala dahil kayo talaga ang naka-assign pagdating sa pagpili ng espada. Hindi magrereklamo ang mga 'yon sa napili niyo," pagsasalita ni Ma'am.

"Buti namannn!"

"Akala ko magrereklamo, e."

"Hindi naman reklamador ang mga nasa section 4-1."

"Hayyy. Nakahinga na ako nang maluwag."

"Ang mga nasa section 4-1 ay alam kung paano gumawa ng espada kaya hindi kayo mahihirapan. Ang magic niyo rin ang siyang magiging katulong niyo. Matagal pa naman bago ang pasahan nito kaya mahaba pa ang panahon niyo. Iyon lang at maaari na kayong umuwi," huling sabi ni Ma'am bago lumabas ng classroom.

LDWCB1: A Princess Power [COMPLETED]Where stories live. Discover now