CHAPTER 40

1.2K 12 0
                                    

RAYE'S POV

"Oh, he is one of your friends," pagsasalita ni Eris habang nakatingin kay Theon na masama naman ang tingin sa amin.

Tch. Iba iniisip nito, panigurado.

Biglang tumayo si George saka hinarap si Theon. "Excuse me, who are you? Why are you interrupting us?"

Tiningnan siya nang masama ni Theon bago muling bumaling sa akin. "I am asking you, Raye. Why are you with that woman? And..." Tumuro siya kila George at Philip. "Who are they?"

"It's none of your business," kaswal kong sagot sa kaniya.

Iniiwasan kong habaan pa ang pag-uusap namin dahil baka lalong mainis itong dalawang nasa harapan namin at kung ano pa ang gawin sa kaniya.

Si Eris naman ay patuloy lang sa pagkain, walang pakialam sa nangyayari sa paligid niya.

"We have been looking for you for more than a month! Tapos makikita kita ngayong kasama ang babaeng nakita natin sa bar!" Tiningnan niya ang dalawang lalaking nasa tapat namin. "Ano? Pamilya niya ba ito?"

Pinigilan ko ang sarili kong matawa dahil sa tanong niyang 'yon at narinig ko namang nasamid si Eris, pero nagpatuloy lang siya sa pagkain.

"Can you not interrupt us? Look, we are having a meeting," pigil ang inis na sambit ni George.

"Pakialam ko ba sa inyo!" gigil na sabi naman ni Theon.

Kumuyom ang kamao ni George at dinakot niya ang damit ni Theon. "What?"

"Bingi ka ba? Sabi ko, pakialam ko ba sa inyo!" pag-uulit ni Theon.

Mabilis na sinapak ni George si Theon sa kaliwang pisngi nito kaya bumaling ang ulo ni Theon sa kabilang direksyon.

Ang kanang kamay ni Theon ay hinawakan ang kaliwang kamay ni George na nakahawak sa kwelyo niya at marahas na inilayo 'yon sa kaniya.

Nakita ko naman sa hindi kalayuan ang asawa ni Theon na mabilis tumayo sa kinauupuan niya at tinalunan ang mesang nasa kaniyang harapan. Mataas siyang tumalon doon at mabilis na ipinatama ang kanang paa niya, pagbaba niya sa ere, sa balikat ni George nang tangka nitong hahawakan muli si Theon.

Napaluhod si George sa sahig dahil sa lakas ng pagkakatama ng paa ni Yze sa balikat niya. Mabilis namang umikot si Yze sa kinatatayuan niya at ipinatama ulit ang kanang paa niya sa leeg naman ni George kaya agad itong napahiga sa sahig.

Pagkatapos no'n ay tumayo nang maayos si Yze at humarang sa harapan ni Theon. "Don't come near my husband ever again."

Natulala naman si Theon dahil sa ginawa ni Yze, bilib na bilib sa asawa. Mabuti na lang at kaunti lang ang mga tao rito sa loob, lahat pa ay walang pakialam sa nangyayari.

Pagalit na tumayo si Philip at nilapitan si George bago bumaling kay Yze. "Ano bang problema niyo? Kayo itong bigla-bigla na lang lumalapit sa amin tapos ang lakas pa ng loob niyong manakit!"

"Pabayaan mo lang sila," mahinang bulong sa akin ni Eris nang makitang tatayo sana ako. Kumakain naman siya ngayon ng inorder na pizza.

Nginisihan sila ni Yze. "Philip Warnton at George Sance, ang dalawang taong nasa wanted list. Kaya pala pamilyar kayo sa akin." Bumaling naman siya sa akin. "Bakit mo sila kasama, Raye?"

Sasagot na sana ako nang mabilis na maglabas ng patalim si Philip at sasaksakin sana si Yze ngunit mabilis na inagaw ni Theon ang patalim dito. Ang sumunod ay hinawakan niya si Philip sa ulo saka inuntog sa mesa.

LDWCB1: A Princess Power [COMPLETED]Where stories live. Discover now