CHAPTER 01

6.1K 84 0
                                    

UNIQUEEN FREYA'S POV

Habang naglalakad ako papunta sa Chanderon University ay may nakasalubong akong mga estudyante rin ng CU na nagmamadaling pumasok.

Ako nga pala si Uniqueen Freya Xendry, 18 years old. Ito ang unang araw kong papasok sa isang university dahil noon ay sa bahay lang ako palagi nag-aaral. Ang Mommy at Daddy ko ay namatay noong 10 years old ako.

~FLASHBACK~

Papunta kami nila Mommy at Daddy sa bahay ng tito at tita ko para kumustahin sila dahil may nangyaring gulo sa lugar nila noong nakaraang araw.

Pero hindi namin inaasahan na makikita namin silang duguan, pati na rin ang kanilang mga kapit-bahay ay wala na ring malay, maraming wala nang buhay.

Biglang may babaeng lumabas sa mansyon nila tito. May dala itong espada, nakasuot ng black dress, knee boots at long black coat with fur hood.

Tinutok nito ang dalang espada sa amin at unti-unting lumalaki ang apoy na nasa patalim nito. Ang apoy ay tumama papunta kay Daddy na humarang sa akin para ako'y maprotektahan. May isa pang lalaki sa likuran namin, isang lightning magic user, na tinamaan si Mommy nang mabilis na tumabi sa akin.

"Mommy! Daddy!" pagtawag ko sa kanila.

Nakahandusay na sila sa kalsada ngunit patuloy ko pa ring ginigising. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa bigla namang magsalita ang babaeng may hawak ng espada na nakatayo na sa aking likuran.

"Aw! Wala na ang pinakamamahal mong magulang," pang-aasar nito at umakto pang naiiyak ngunit bakas sa mukha nito ang ngiti, tuwa at saya.

"Humanda ka sa akin!" Sumugod ako sa kaniya, pero bigla nitong hinawakan ang kamay ko at nagsalita pa siyang muli.

"Hindi mo ako matatalo. Wala kang sapat na kapangyarihan, hindi pa ganoon karami ang karanasan mo sa pakikipaglaban. Wala kang lakas para mailigtas mo ang 'yong mga minamahal dahil isa ka lamang hamak na bata," sigaw niya sa akin dahilan para lalo akong lumuha.

"Hahanapin kita! Balang araw kapag lumakas ako ay ako mismo ang kikitil sa buhay mo, tandaan mo 'yan!" sigaw ko rin sa kaniya. Ang luha sa aking mata ay walang humpay sa pag-agos.

"Oh, scary," kunwaring takot na aniya. "Pinatay na nang lahat ang mga mahal ko sa buhay. Magulang, kaibigan at maging ang lalaking aking minamahal. Wala nang silbi ang buhay ko kaya ayos lang kung mapatay mo ako. Ang pagpatay lang sa lahat ang magagawa ko upang ipaghiganti sila kaya hindi ako titigil hangga't hindi ko napapatay ang lahat," bumagsak na rin ang mga luha niyang kanina pa niya pinipigilan at pabato niyang binitawan ang kamay kong hawak niya.

"Ang dami mo nang pinatay, ang dami nang namatay dahil sa 'yo! Anong makukuha mo sa pagpatay? Naging masaya ka ba? Nabuhay ba ang 'yong mga minamahal noong pumatay ka?!"

"Hindi," maikling sagot niya.

"Iyon naman pala, e! Bakit patuloy ka pa ring pumapatay? Walang patay na nabubuhay! Ang wala na ay wala na!" sigaw ko sa kaniya na lalo niyang ikinagalit.

"Wala kang pakialam, ginagawa ko ito dahil gusto ko. Gusto kong maranasan ng lahat ang naranasan ko. Hindi ako naghihiganti para sumaya. Hindi ako pumapatay para mabuhay ulit ang mga mahal ko sa buhay. Pumapatay ako para maranasan din nila ang naranasan ko. Gusto ko silang matulad sa akin," pagpapaliwanag niya. Ngumiti siya nang mapait at bakas pa rin sa mga mata niya ang galit.

LDWCB1: A Princess Power [COMPLETED]Where stories live. Discover now