CHAPTER 08

2.2K 38 0
                                    

UNIQUEEN FREYA'S POV

Nagising ako dahil sa sunod-sunod na tunog ng alarm. Alas dyes y medya na ng umaga. Hindi ko namalayang nakatulog ako ulit.

Tumingala ako sa kisame habang nakapatong ang kanang braso ko sa noo ko. Bigla kong naalala si King Hron.

Bakit nga ba 'yon parang biglang nagalit kanina?

Inis akong bumangon sa kama ko saka nagtungong banyo para magsipilyo at maligo.

I wear a casual pairing of a black tank dress and a pink long sleeve t-shirt with a pair of white leather low top sneakers.

Hindi ako nag-uniform dahil wala naman akong balak pumasok ng university.

I need to find the Prince as soon as possible.

Lumabas ako ng kwarto ko at lumingon saglit sa pinto ng kwarto ni King Hron, sarado ito.

Bumuntong-hininga ako bago tuluyang bumaba ng hagdan.

Hindi ko alam kung nandito pa ba si King Hron sa loob ng mansyon o pumasok na ng university. Gayunpaman, hindi ko nalang 'yon masyadong inisip pa. Kailangan kong ituon ang buong atensyon ko sa paghahanap sa Prinsipe.

Mabilis akong naglakad patungong subway kung nasaan ang sakayan ng train na patungo sa countryside.

Hindi ko alam kung bakit ako roon pupunta, pero may nagtutulak sa aking dapat doon ako tumungo dahil nandoon ang Prinsipe.

Pagkapasok ko sa loob ng train ay naupo ako sa bakanteng upuan at sumandal. Ilang minuto ang lumipas bago huminto ang train at doon na ako bumaba.

Nag-abang ako ng bus kasama ang iba pang bumaba kanina ng train. Ang bus na sasakyan namin ay papunta sa countryside market.

May damating ng bus kaya agad na akong sumakay. Nadaanan namin ang patag na mga lupa, pananim at iilang bahay.

Ilang saglit pa ay huminto na ang bus kaya bumaba na ako. Nakita ko ang maraming taong namimili rito sa countryside market. Ito ang nag-iisang pamilihan dito sa kanayunan.

Nasa kabila pang lugar ang nag-iisang unibersidad dito, kailangan pang lakarin at akyatin ang burol na hindi naman ganoon kataas.

Maraming turista ang dumadayo rito dahil sa magagandang tanawin kaya kahit hindi kasing dami ng mga tao sa siyudad na pinanggalingan ko ang mga naninirahan dito ay marami pa ring makikitang tao.

Sa lugar din na ito kadalasang ginaganap ang field trip at orienteering ng mga estudyante mula sa mga naglalakihang unibersidad sa iba't ibang siyudad, kabilang na roon ang unibersidad kung saan ako nag-aaral.

Pag-akyat ko sa burol ay nakita ko roon ang maraming turista na kinukuhanan ng litrato ang kanilang mga kasama.

Nang makababa na ako ng burol ay nakita ko na ang mga bahay-bahay rito.

Nilampasan ko lang ang mga bahay na 'yon at nagtuloy-tuloy sa paglalakad hanggang sa mapunta na ako sa harapan ng gate ng Qenton University.

Sa unibersidad na ito, pwedeng-pwede pumasok ang mga outsiders kaya dire-diretso lang akong naglakad papasok ng lobby hanggang sa madaanan ko ang hallway at matagpuan ang hagdanan. Umakyat ako rito hanggang sa narating ko ang rooftop.

Nakatayo ako sa tabi ng railings dito sa rooftop habang tinitingnan isa-isa ang mga estudyanteng nasa ibaba. Hindi sila kasing dami ng estudyante sa Chanderon University dahil kakaunti lang din naman ang mga naninirahan dito sa countryside.

Ang mga university dito ay walang bayad. Makapasa ka lang sa entrance exam kung saan may kalalabanin kang mga creatures at kapag napatay mo ang mga 'yon ay pwedeng-pwede ka nang makapag-aral.

LDWCB1: A Princess Power [COMPLETED]Where stories live. Discover now