CHAPTER 31

970 18 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Ika dalawampu't tatlo ng buwan ng Oktubre, araw ng Biyernes, alas dos ng hapon.

Bumagsak mula sa kalangitan ang sunod-sunod na magic bomb. Pagbagsak ng mga 'yon sa kalupaan ay nagdulot ito ng mala-kidlat na pagsabog.

Nagpalabas ng magic shield sa mga palad ang babaeng si Yzelizel upang maprotektahan silang tatlo nila Raye at Theon.

"What was that?" kalmadong tanong ni Theon. Simula nung dumating ang asawa ay naging mahinahon na siya at hindi palasigaw.

"Si Leeanne!" Tinuro ni Yzelizel ang babaeng pababa ng lupa. Isa ito sa mga miyembro ng Astray Family.

Biglang pinaulanan ni Leeanne ng lightning bolts ang lupang tinatapakan ng tatlong magkakaibigan.

Napakunot ang noo ni Raye bago binuhat ang dalawang kasama sa may baywang saka lumipad patungo sa pwesto ni Leeanne.

Hinagis naman niya ang dalawang buhat upang bumagsak sila sa magkabilaang gilid ni Leeanne. Mabilis na kumilos ang dalawa at lumitaw sa kamay ni Yzelizel ang isang magical chain, ginapos nilang dalawa ni Theon ang babae upang hindi ito makakilos.

Si Raye naman ay nasa harapan ni Leeanne at bumuo ng ice spears upang bantaan ang babaeng sa oras na kumilos siya ay tuturok ang mga ito sa kaniyang katawan.

"Nice! Kayo nga 'yan."

Pinaglaho naman ni Yzelizel ang chain na nilikha niya, ganoon din si Raye sa ice spears na binuo niya.

"Para saan ba 'yon?" Wala pa ring ideya sa nangyayari si Yzelizel habang ang dalawang lalaki ay nakuha na ang ibig iparating ni Leeanne.

"Para lang masiguro kong kayo pa rin 'yan at hindi kontrolado ng mga parasite."

Nasa lumang parke silang lahat dahil dito nais ni Leeanne na makipagkita sa kanila.

"Kagaya ng sinabi niyo, nag-uumpisa na ang IOP. Ang lalaking kinidnap ni Larsen mula sa Planet Forex kung saan nahirapang makaalis si Yzelizel ay kinokontrol na ng parasite." Inumpisahan ni Leeanne ang pagkukwento.

"Anong nangyari sa lalaking kinidnap ni Larsen?" pagtatanong ni Raye.

"Namatay ito." Sabay-sabay na gumuhit ang gulat sa mukha ng tatlong magkakaibigan dahil sa sagot ni Leeanne. "Wala pang isang araw ang nakakalipas simula nung dalhin ni Larsen ang lalaking 'yon sa Planet Greenforst ngunit bigla na lamang itong nanghina, humina nang humina hanggang sa tuluyang namatay."

"Bakit? Paano naman 'yon nangyari?" hindi makapaniwalang tanong ng kalmadong si Theon, nakakapanibago talaga ang kaniyang ugali.

"Ang kasong ito ay katulad ng nakalap mong impormasyon." Binalingan niya si Raye na hindi naman agad naintindihan ang tinutukoy niya. "Ang nangyari sa lalaking kinidnap ni Larsen ay kapareho sa nangyari sa ina ni Veisha Cruety, ang Reyna sa Planet Blaker."

Bigla namang hinawakan ni Theon sa magkabilaang balikat si Raye at iniharap sa kaniya. "Nakausap mo ang mga naninirahan sa Planet Blaker?"

"Ang kaibigan ni Veisha ay naging girlfriend ko," pahina nang pahina ang boses na sagot ni Raye, nagsisisi siya sa kaniyang naging desisyon noon.

"Alam 'yan ni Freya?" pagtatanong ni Yzelizel at ipinaharap naman sa kaniya si Raye.

"Alam na niya," sagot ni Raye.

LDWCB1: A Princess Power [COMPLETED]Where stories live. Discover now