CHAPTER 03

2.9K 63 0
                                    

UNIQUEEN FREYA'S POV

Nakita ko si King Hron East Frido.

"B-Bakit?" utal kong tanong sa kaniya.

"Tss. I'm here to pick you up. My parents are looking for you already," sagot niya.

"H-Hindi ko alam, s-sorry." Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko. Lumakad na siya kaya naman sumunod ako sa kaniya at nang huminto siya ay huminto rin ako.

Sa tinatapakan naming lupa ay may lumabas doong kulay pulang magic circle. Pagkurap ko ay nasa harapan na kami bigla ng kanilang mansyon.

"A-Anong nangyari?" nagugulat kong tanong.

Nilibot ko pa ang paningin ko sa paligid para kumpirmahin kung totoo ngang nandito na kami sa kanila.

At totoo nga! Ang bilis!

"Teleport."

Sumunod ako sa kaniya nang mag-umpisa na siyang maglakad papasok sa loob. "Teleport?" tanong ko pa.

"'Yon ang ginagamit namin para makapunta agad sa lugar na gusto naming mapuntahan nang walang kahirap-hirap. Kadalasan ay ang mga Kings at Queens lang ang kayang gumamit no'n," kwento niya pa at namangha naman ako.

"Ang astig niyo naman!"

Nakapasok na kami sa loob ng mansyon nila kaya naman nakita ko sila Tito Jeinson at Tita Rinza na nakaupo sa sofa na halatang naghihintay sa amin.

"Good evening po," bati ko pagkalapit sa kanila.

"Magandang gabi rin. Akala ko kung saan ka na nagpuntang bata ka," ani tita sa akin.

"A-Ah, hehehe, hindi ko po kasi napansin ang oras," pilit ang tawang tugon ko.

May patulog-tulog ka pa kasing nalalaman, Yuni!

Naramdaman ko ang presensya ni King Hron nang tumayo siya sa tabi ko. Bigla ko namang naalala ang pagkakabunggo ko sa kaniya kanina sa canteen. Kinabahan tuloy ako!

Kasalanan ang bungguin ang mga tulad nila, kawalan ng respeto ang dating no'n sa kanila. Hindi dapat binubunggo ang mga tulad nila dahil parurusahan ka kapag nabunggo mo sila.

Ang tindi, 'di ba? Mabunggo mo lang sila, kahit hindi sinasadya, ay kasalanan na!

"Magpapahinga na ako sa kwarto ko, Mom," pagpapaalam ni King Hron saka nagtungong hagdan.

"Aakyat na rin po ako," pagpapaalam ko rin.

"Kumain ka na ba?" Nilingon ko si tito nang magsalita siya.

Umiling ako. "Hindi pa po, pero hindi naman po ako nagugutom---"

"Kumain ka, masamang nagpapalipas. Maraming pagkain diyan sa kusina, dadalhan nalang kita sa kwarto mo," suhestiyon naman ni tita. Nakangiti naman akong tumango sa kaniya at nagpaalam nang aakyat na ng kwarto ko.

Patungo na akong kwarto ko nang mapansing nakaawang ang pintuan ng katabi kong kwarto. Mukhang ito ang kwarto ni King Hron.

Akalain mo nga namang magkatabi pa kami ng kwarto.

Maraming kwarto ang mayroon dito sa mansyon nila. Karamihan ay nakasara dahil kami-kami lang naman ang nakatira rito.

Ipinagsawalang bahala ko nalang 'yon at nagtuloy-tuloy sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa harapan ng pinto ng kwarto ko.

LDWCB1: A Princess Power [COMPLETED]Where stories live. Discover now