CHAPTER 35

903 17 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

"R-Raye, masyadong m-mahigpit."

Agad namang napahiwalay si Raye mula sa pagkakayakap kay Freya. "S-Sorry," paumanhin niya. "Hindi ko namalayan," dagdag pa niya.

Muling tumingala si Raye sa building kung nasaan si Jaxon at nakita niya itong napailing-iling sa kaniya dahil sa inasta niya.

*Bum!* *Bum!* *Bum!*

Itinulak ni Freya si Raye ng tatlong magkakasunod na pagsabog ang marinig niya malapit sa pwesto ni Raye kaya naman nagpagulong-gulong sila sa lupa.

Nang huminto sila sa paggulong ay nakahiga sa lupa si Raye habang nasa ibabaw niya si Freya. Ang dalawang kamay ni Freya ay nakatukod sa magkabilaang gilid ni Raye. "Anong gagawin mo kapag sinabi ko sa 'yong isa akong parasite?" tanong ni Freya kay Raye.

Bahagya pang nagulat si Raye sa direktang tanong na 'yon ni Freya. "Imposibleng mangyari 'yon."

"How do you say so?" tanong muli ni Freya at hindi inaalis ang paningin kay Raye.

"I just have this feeling that parasites wouldn't be able to control you." Sinikap ni Raye ang hindi mautal nang isagot 'yon.

"Sinagot mo ang tanong ko ngayon, pero..." Natigil sa pagsasalita si Freya at bumaling sa kaliwa niya nang may lumitaw na limang babae roon. Lahat sila ay may hawak na weapon.

Tiningnan niya muli si Raye at kitang-kita niya ang paglunok nito nang magtama ang paningin nila.

"I want to make a deal with you." Hinawi niya ang buhok ni Raye upang mas makita niya ang kabuuan ng mukha nito. Hinaplos niya ang pisngi ng lalaki at tumitig sa labi nito. "If I kill them, you will have to kiss me." Pinalandas niya muna sa labi nito ang kaniyang hintuturo bago umalis sa ibabaw ni Raye para humarap sa limang babae.

Tinanggal niya ang suot niyang cloak at hinagis 'yon palipad sa limang babae. Sinundan naman nila ng tingin ang cloak na hinagis ni Freya kaya hindi nila namalayan ang pagkilos nito.

Pagkahagis ni Freya ng cloak sa ere ay mabilis siyang tumakbo patungo sa pwesto ng limang babae. Gamit ang dagger ay hiniwa niya sa leeg ang mga ito dahilan para sumirit ang napakaraming dugo mula sa kanilang katawan.

Saktong pagbagsak ng cloak mula sa ere ay nasalo ito ni Freya. Hinarap niya ang nakatayong si Raye na halatang hindi makapaniwala sa bilis ng pangyayari.

Sinabit ni Freya ang cloak sa balikat niya at lumakad papunta kay Raye.

Umatras si Raye papunta sa pader kaya nang makalapit sa kaniya si Freya ay itinukod ng babae ang kaniyang kaliwang paa sa pader sa bandang ibaba ng kanang gilid ng lalaki.

"D-Dito ba natin gagawin?" tanong ni Raye habang pasimpleng ginala ang paningin sa tuktok ng building upang alamin kung nandoon pa rin ang Astray Family.

Nang wala siyang makita sa mga building ay bumaling siyang muli kay Freya na pinagmamasdan siyang maigi na animong pinag-aaralan ng mabuti ang mukha niya.

"Ikaw 'yon, hindi ako pwedeng magkamali," sambit ni Freya.

"Ang alin?" naguguluhang tanong ni Raye.

Inalis ni Freya ang paa niya sa pagkakatukod sa pader at tumalikod. "Tara roon."

Sinundan naman ni Raye si Freya sa paglalakad saka lang niya napagtantong ang lugar na tinatahak nila ay papunta sa bahay na pagmamay-ari mismo ni Raye. Ang bahay niyang nakakonekta sa bahay nilang dalawa ni Freya sa totoong mundo.

LDWCB1: A Princess Power [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang