CHAPTER 15

1.5K 27 0
                                    

UNIQUEEN FREYA'S POV

"What about this?" Inabot sa akin ni Venice ang isang baso. "Palutangin mo nga 'yang tubig."

Sinunod ko naman ang sinabi niya at pinalutang ang tubig na nasa baso.

Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkamangha dahil sa ginawa ko. Alas kwatro na ng hapon at nandito kami ngayon sa gazebo sa may garden nila dahil pinapasubok niya sa akin ang iba't ibang paraan ng paggamit ng iba't ibang mahika.

Hindi namin kasama ngayon si Raye dahil nagpaalam siya kanina sa aming may kailangan siyang puntahan.

"Try mo nga akong palutangin." Tumayo siya sa upuan na nasa harapan ko at lumakad papunta sa may bermuda.

Sumunod naman ako sa kaniya at sinubukan siyang palutangin.

"Ang galing!" sabi niya at umikot-ikot pa sa ere. Mayamaya pa ay binaba ko na rin siya sa lupa. "What's happening?" tanong ni Venice habang naglalakad patungo sa tabi ko nang yumanig bigla ang lupa pagkababa niya.

"Lumilindol," sagot ko at dumikit sa kaniya. Napakapit naman sa akin si Venice at mayamaya pa ay tumigil na rin ang pagyanig.

"Pumasok kayo sa loob ng mansyon," utos sa amin ni Raye na kalalabas lang ng backdoor ng mansyon at mabilis na nakarating sa tabi ko.

Lumakad kami nang mabilis papasok sa loob habang si Raye naman ay nakabantay sa likuran namin.

"Anong nangyari? Bakit yumanig ang lupa?" tanong ni Venice kay Raye nang makaupo kami sa sofa.

"Nag-uumpisa na naman ang tyconquake," sagot ni Raye.

"Can I ask something?" Nagtaas pa ako ng kamay para mapunta sa akin ang atensyon ni Raye.

"Yes, go ahead."

"Ito ba ang uri ng lindol kung saan matapos ang pagyanig ng lupa ay maglalabasan ang mga portal?"

"Oo, ito nga 'yon," sagot niya at tumayo. "May kukunin lang ako sa itaas," dagdag niya pa at lumakad papuntang hagdan.

Nang lingunin ko sa kaliwa ko si Venice ay nanunuksong tiningnan ako nito. "I'm curious. Are you two in a relationship or something?"

"H-Ha? Hindi, h-hahaha, wala kaming relasyon," pilit ang tawang sagot ko.

"Sayang naman." May halong panghihinayang ang tono ng boses niya. "Ang totoo niyan ay gusto kita para sa kaniya," dagdag niya bago tumayo para mag-inat ng katawan.

Tumayo na rin ako at lumapit naman siya sa may bintana kaya lumakad din ako papunta roon.

"Tyconquake is a quake that happens only in Planet Tycon. Nangyayari ito taon-taon sa iba't ibang panig ng planeta natin. Sa pagkakaalam ko ay tuwing June 12 lang nangyayari ang ganitong paglindol kaya hindi ko talaga inaasahan ang nangyari kanina," paliwanag niya habang nakatingin sa labas. "Sa susunod pang Biyernes ang petsa na 'yon dahil June 4 pa lang ngayon. Bakit naman kaya napaaga ang pangyayaring 'yon ngayon?"

LDWCB1: A Princess Power [COMPLETED]Where stories live. Discover now