CHAPTER 21

995 18 0
                                    

ZEFF'S POV

Nagkatinginan kaming dalawa ni Axent nang tuluyan nang makaalis ang kapatid ko.

Nakita niya lang na magkatabi sila East at Emi ay bigla na lang siyang umalis.

Matagal na rin simula nung umamin si Usha kay East tungkol sa tunay nitong nararamdaman para sa kaniya. Matapos siyang i-reject ni East ay nagdesisyon na siyang putulan ang mahaba niyang buhok.

~FLASHBACK~

"Saan kayo galing?" Sumalubong kami ni Axent sa magkasamang sila Usha at Aizen.

"Kuya!" Biglang umiyak si Aizen sa kuya niya.

Nagtataka naman akong napalingon sa kapatid ko at nakitang namumugto rin ang mga mata nito.

"Anong nangyari sa inyo?" sabay na tanong namin ni Axent.

"Kingina," pagmumura ni Usha. "Ayaw ko nang magmahal."

Lumapit naman ako sa kaniya at nagulat na lang ako nang humagulgol siya bigla sa dibdib ko.

Hinayaan lang namin ni Axent na umiyak ang mga kapatid namin sa amin.

Nang tumahan sila ay naupo kami sa upuan na nandito sa park.

Umalis kasi sila nang magkasama at hindi namin alam kung saan pumunta, nakasalubong lang namin silang dalawa rito sa park.

"May napagkasunduan kasi kami ni Aizen," pag-uumpisa ni Usha. "Nang makita namin sila East at West kanina ay nagbato-bato pick kami at kung sinong matalo ay aamin sa taong nagugustuhan niya."

"At siyempre, ako ang natalo!" sigaw ni Aizen. "Umamin ako kay Kuya West, pero ang sabi niya lang ay..." Tumayo siya. "Thanks, but I don't see you that way." Ginaya pa nito ang pagsasalita ni West. "Hayst! Ayaw ko nang mabuhay!"

"Kung si Aizen pala ang natalo, bakit umiyak ka rin?" tanong ko sa kapatid ko.

"Nang magdesisyon si Aizen na umamin kay West ay napaisip din ako. Kung hindi ako aamin ngayon, kailan pa? Hindi natin alam kung hanggang kailan na lang tayo sa mundo kaya umamin na rin ako," sagot ni Usha.

"Ano namang sinabi sa 'yo ni East?" tanong ko pa ulit.

"Thank you for liking me, but I don't want to be in a relationship," walang gana niyang sagot. "Kingina."

"Nung umamin ako kay Kuya West ay parang wala man lang akong nabasang saya sa mga mata niya. Hindi siya galit, blanko lang ang itsura niya. Nakakainis! Akala ko pa naman ay katulad ng mga nababasa ko sa libro ang mangyayari, na kapag umamin ka sa isang tao ay makikita mong kumislap ang mga mata nila dahil sa saya. Hayst, nauto ako roon!" sigaw naman ni Aizen.

"Nagpaparamihan ba ng mare-reject ang magkaibigan na 'yan?!" inis na tanong ni Usha. "Nabalitaan kong marami nang umamin sa dalawang 'yan, pero lahat ay ni-reject nila," saad niya pa. "Nung umamin nga rin ako kay East kanina ay hindi ko naramdamang masaya siya, parang wala lang sa kaniya. Hindi niya ba alam kung gaano kahirap para sa aking magkaroon ng lakas ng loob na umamin tapos siya ay parang wala man lang pakialam?!"

"Mahirap kasing mabasa ang laman ng isip nila. Isa pa, sa lahat naman ay ganoon sila, hindi lang sa inyo," sabat ni Axent.

"Hindi ko pa nga nakikitang tumawa o matuwa ang dalawang 'yon, e," napapailing na sabi ko naman.

LDWCB1: A Princess Power [COMPLETED]Where stories live. Discover now