CHAPTER 38

889 14 0
                                    

RAYE'S POV

"An unknown aircraft has been detected in the city of Srisginia in Glifvine."

Unknown aircraft?

Napatigil ako sa ginagawa ko at mabilis na tumayo saka lumapit kay Van.

Bumaling naman siya sa akin. "Can I talk to them?"

"Here." Mabilis siyang tumayo sa upuan niya saka binigay sa akin ang headset at ako na ang pumalit sa pwesto niya.

Ang nagsalita kasi kanina ay mula sa ibang HQ at naririnig naming lahat 'yon dahil sa speaker. Si Van ang naka-assign para maka-usap ang kung sinumang nagsasalita sa speaker.

"Raye Paxaeris from HQ 772, speaking," pagpapakilala ko sa sarili ko nang maitapat ko ang mic ng headset sa bibig ko.

"Nice to meet you, Raye. I am Karter Cole from HQ 639," pagpapakilala naman ng nagsalita kanina.

"I would like you to send us an image of the aircraft," utos ko sa kaniya.

Mayamaya pa ay lumitaw sa screen sa harapan ko ang larawan. 'Yon ay ipinasa ko sa lahat ng kasapi ng HQ 772 kaya nag-display din 'yon sa mga screen nila. Zinoom in ko pa ito para lalong malinawan sa nakikita sa larawan.

"The unidentified aircraft is en route to Lleitava, Nefford, and is only 1,866 kilometers away from the said location," pagsasalitang muli ni Karter.

"Tangina! Bakit ang bilis?!" bigla kong pagmumura.

Nagulat naman ang lahat ng nandito sa loob ng silid dahil sa pagsigaw ko.

"This can't be real," hindi makapaniwalang usal ni Vlad habang tinitingnan ang larawang sinend sa amin ni Karter. Bigla siyang tumayo at mabilis na lumapit sa akin. "That's the same aircraft that landed decades ago in your kingdom, Raye."

Hindi ko napigilang maikuyom ang kamao ko nang magbalik ang alaala sa isipan ko ng pangyayari ilang dekada na ang nakararaan.

What are they doing here?! Bakit ngayon pa?!

Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at sinuot ang coat ko. Papunta pa lang ako sa pinto nang bumukas ito bigla.

"Where are you going?" takang tanong sa akin ni Dimitri.

"Outside," maikling sagot ko saka tuluyang lumabas ng silid.

Kahapon lang namin nalaman ng asawa ko na buntis siya at ngayong araw naman ay mukhang may parating na agad na problema.

Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang kabang nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan ako na ewan! Natatakot ako na ewan! Naiinis ako na ewan! Lahat na lang ewan!

*Booogsh!*

*Bum!*

*Boooom!*

Iba't ibang klase ng pagsabog ang magkakasunod na narinig naming lahat.

*Ding!* *Ding!* *Ding!* *Ding!* *Ding!*

Umalingawngaw sa pandinig ko ang malakas at sunod-sunod na dagundong ng kampana pagkalabas ko ng building kung nasaan ang headquarters 772.

Kusa akong napahinto sa paglalakad kasabay ng sunod-sunod na pagtulo ng luha ko.

Hindi ako nakaabot!

"The former Goddess of Love, Freya, died at 3:28 PM on Yxilm 25. The nation of Nefford no longer belongs to anyone after more than three decades of the Goddess claiming it as her domain."

LDWCB1: A Princess Power [COMPLETED]Where stories live. Discover now