CHAPTER 22

997 19 0
                                    

KELSEY'S POV

July 08.

Humarang ako sa harapan ni Chase nang may lumipad patungo sa gawi naming isang malaking bato. Hinati ko naman ang batong 'yon sa dalawa gamit ang hawak kong espada.

"Hay!" Nilingon ko naman si Chase. "Mahal na mahal talaga ako ng babaeng nasa harapan ko ngayon."

Bakit ba siya ganiyan? Simpleng bagay lang na ginagawa ko, e, kung anu-ano nang ini-imagine?

Napabuntong-hininga na lang ako at nangunang maglakad.

Simula nung mapunta kami rito ay may kung anu-ano na agad sa aming umatake at mga bagay na lumilipad patungo sa gawi namin.

~FLASHBACK~

"Nasaan ba kasi talaga tayo?" tanong ko habang kasunod ko namang naglalakad si Chase.

Bigla niya akong niyakap mula sa likuran ko at hinatak ako saka nagtago kami sa gilid ng isang puno. Bumagsak sa kinatatayuan ko kanina ang isang halberd.

"Saan---" Mabilis na tinakpan ni Chase ang bibig ko kaya hindi ko natuloy ang balak kong itanong.

Muli akong bumaling sa halberd na bumaon sa lupa nang may marinig akong yabag ng paa, may papalapit sa amin.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang kumuha ng malaking halberd, isang ogre.

Kinabahan ako ng sobrang tindi, natatakot ako sa posibleng mangyari sa buhay naming dalawa ni Chase.

"ROOOAAARRR!!!" dinig kong pagwawala pa nito.

Naramdaman kong hinawakan ni Chase ang kamay ko para pakalmahin ako.

"May plano ako," mahinang-mahinang bulong niya.

"GRRRRR!!!" pagwawala ulit ng ogre. "RAAAAAAAAAHHH!!!"

"Gusto kong tumakbo ka palapit sa kaniya," bulong ni Chase.

Binaba ko naman mula sa bibig ko ang isang kamay ni Chase para makapagsalita ako. "Anong gagawin ko pagkalapit sa kaniya?"

"Makipaglaban ka."

"Ano?"

"Basta gawin mo ang lahat para matuon sa 'yo ang atensyon niya."

"Ano namang gagawin mo?"

"I will attack him from behind."

Sinang-ayunan ko na lang ang plano niya dahil mukhang hindi naman namin matatakasan ang ogre na ito.

Binitawan ako ni Chase para umpisahan na namin ang napagplanuhan.

Tumakbo ako pasugod sa ogre na agad din naman akong napansin. Nang ihanda na niya ang halberd at ibagsak papunta sa akin ay mabilis akong umiwas. Tumakbo ako paikot sa kaniya kaya dinampot niyang muli ang halberd.

Kailangan kong lumayo para ibato niya sa akin 'yon. At kapag malayo na 'yon sa kaniya ay saka ko siya aatakihin.

Umatras ako nang maglakad ito palapit sa akin. Binilisan ko pa lalo ang pag-atras ko at tama nga ang nasa isip ko, binato niya ang hawak na halberd patungo sa pwesto ko.

Gusto ko mang kunin 'yon ngunit hindi ko magawa dahil masyadong mabigat at mas sanay akong gumamit ng espada.

Mabilis akong tumakbo pasugod sa kaniya tapos umikot papunta sa likuran niya. I tried to slice the back of its knees using the blade of my sword, but it was too tough. He only got a scratch.

LDWCB1: A Princess Power [COMPLETED]Where stories live. Discover now