CHAPTER 20

992 23 0
                                    

JAYSEN'S POV

Nasa tabi kami ngayon ng lawa kasama ang mga taong nakilala namin kanina. Hapon na rin kasi kaya naghahanap na kami ng makakain.

Katatapos lang naming gumawa ng bonfire mula sa mga napulot at nakolekta naming panggatong. Kasalukuyan kaming nanghuhuli ng isda na lulutuin namin.

~FLASHBACK~

Ang sama-sama ng tingin sa akin ni Senray nang mapunta kami sa isang gubat pagkalabas namin ng portal.

"Dinamay mo na naman ako sa kalokohan mo," inis na sabi niya at biglang naglakad palayo sa akin.

"Hahahaha! Malay mo, rito mo na makilala ang babaeng makapagpapabago sa pananaw mo sa mga babae," tumatawa pang sabi ko at humabol sa kaniya. "Nasaan kaya tayo?" tanong ko habang tinitingala ang mga matataas na puno.

Bigla ko namang natanaw ang isang chest box na nakalagay sa gilid ng puno. Tumakbo ako papunta roon at napabuntong-hininga nang hindi ko ito mabuksan dahil may lock.

Tumingin-tingin ako sa paligid at naghanap ng bagay doon na pwedeng gamitin upang masira ang lock na ito. Nang may makitang bakal sa hindi kalayuan ay tumakbo agad ako roon.

May kakaibang paa ang tumapak sa bakal na kukunin ko pa lang sana. Dahan-dahan akong tumingala para makita kung ano itong nasa harapan ko.

Isang wild boar!

Mabilis akong tumakbo pabalik sa may chest box, pero bago pa ako makapunta roon ay may isa pang wild boar ang humarang sa harapan ko.

Ipinadulas ko ang sarili ko sa lupa nang talunan ako nito. Nang magawa kong dumaan sa ilalim ng wild boar ay tumakbo muli ako patungo sa chest box. Bumaling ako saglit sa dalawang wild boar na humahabol sa akin at napabagsak naman ako sa lupa nang matisod ako sa isang bato.

Pinilit kong tumayo, pero dahil mahirap ay bumaling na lang akong muli sa likuran ko. Sabay na tumalon ang dalawang wild boar na mabilis ding bumagsak sa lupa nang tamaan sila ng palaso.

Napatingin ako sa harapan ko upang malaman kung sino ang pumana sa mga 'yon at nakitang hawak ni Senray ang isang pana.

Bumaling ako sa chest box at nakitang nakabukas na ito kaya gulat akong tumingin kay Senray. "Paano mo nabuksan 'yung chest?" tanong ko pagkatayo ko habang hawak-hawak ang tuhod ko.

May pinakita siya sa aking dalawang maliit na bagay na kumislap, dalawang pin.

"Kaya mo naman pa lang buksan, bakit hindi ka man lang nagsasabi?!" sigaw ko nang makalapit sa kaniya.

"Hindi ka naman nagtanong, e," nakangising aniya.

Naglakad ako papunta sa chest box at tiningnan ang mga laman nito. May mga arrow sa loob, mukhang ang isang bagay pa na laman nito ay ang hawak ni Senray na pana.

"'Wag mong hawakan. May poison ang mga arrow na 'yan," pigil niya sa akin.

Marami siyang alam pagdating sa poison dahil 'yon ang magic niya.

Tumayo ako at humarap sa kaniya. "Ikaw ang naglagay ng poison?"

"May poison na talaga ang mga 'yan pagkabukas ko."

June 12.

"Bakit todo pana ka?" kunot-noong tanong ko kay Senray.

Araw-araw ay pumapana siya sa bawat gilid ng dinadaanan namin sa hindi ko malamang dahilan.

LDWCB1: A Princess Power [COMPLETED]Where stories live. Discover now