CHAPTER 25

913 20 0
                                    

HAIREL'S POV

"Where have you been?" tanong sa akin ng kaibigan kong si Veisha pagkapasok ko sa loob ng kwarto niya.

Binagsak ko ang likuran ko sa kama niya. "May inasikaso lang."

"Kanina pa umalis ang Fourth King, ano naman ang inasikaso mo kung ganoon?" pagtatanong pa niya, tila hinuhuli ako.

"Pumunta ako sa Planet Tycon," sagot ko habang nakatingin sa mataas na kisame.

Tumabi siya sa akin. "Ano namang ginawa mo roon?"

"Pinuntahan ko ang Prinsesa." Pumikit naman ako dahil sa sakit ng ulo, pakiramdam ko ay mababasag ang ulo ko.

"Ang babaeng mahal ng lalaking mahal mo?" Tumango ako. "Bakit mo pinuntahan? Huwag mo sabihing sa sobrang desperada mo sa lalaking 'yon ay siniraan mo siya sa Prinsesa?"

Napadilat naman ako at tumingin sa kaniya ng masama. "Psh! Hindi naman ako ganoon kasama, alam ko ang limitasyon ko." Inirapan ko siya.

~FLASHBACK~

"Hindi kita mahal, kailan man ay hindi kita minahal," diretsong sabi sa akin ni West habang nakatingin sa mga mata ko.

Nakaramdam naman ako ng kirot sa dibdib ko, masakit, sobrang sakit. Pinilit ko namang itago ang emosyong nararamdaman ko. "Umalis ka na ngayon dito," malamig kong utos saka siya iniwang mag-isa.

Hinanap ako ng Headmaster nila rito sa Planet Blaker. Nang makita niya ako ay hiningi niya sa akin ang mga larawan kung saan magkasama kaming dalawa ni West. Alam niyang may mga larawan sa akin na patago kong kinuhanan gamit ang drone ko kaya gusto niyang ibigay ko 'yon lahat sa kaniya.

Wala naman akong ibang nagawa kundi ang ibigay lahat 'yon sa kaniya. Hiningi niya rin sa akin ang lahat ng nalaman kong impormasyon tungkol kay West. Pumayag ako sa kagustuhan niya dahil alam kong pupunta rito si West kapag nagkataon.

Nais ko siyang makausap kaya ko ginawa ang lahat ng 'yon kahit alam kong ikagagalit niya dahil gusto kong malaman kung nagustuhan niya ba ako, kahit panandalian lang.

Nang marinig ko ang sagot niya ay pakiramdam ko pinagsakluban ako ng langit at lupa. Naalala ko pa noong magkarelasyon kami, hinahayaan niya akong halikan siya, pero ni-isang beses ay hindi siya tumugon sa mga 'yon. Kung tingnan niya nga ako ay para lamang akong isang taong magagamit niya sa maikling panahon, para akong isang bagay sa paningin niya na may pakinabang, na pang-hanggang doon lang.

Sa bagay, kasunduan nga lang pala ang nangyari kaya kami nagkaroon ng relasyon. Ako lang ang nagmahal sa aming dalawa habang siya ay pumayag lang na makipagrelasyon sa akin para turuan ko siyang kontrolin ang kapangyarihan niya.

Bigla namang sumagi sa isip ko ang alaala noong unang beses kong magpakita sa harapan niya.

Parang gusto na niyang sumuko dahil hindi niya magawang magamit nang maayos ang kapangyarihan niya kaya naman lumapit ako sa kaniya upang tulungan siya.

Pero lahat ay may kapalit, ang kapalit ng pagtulong ko sa kaniya ay magiging girlfriend niya ako. Akala ko sa loob ng anim na buwan ay mahuhulog siya sa akin dahil kaming dalawa lang ang palaging magkasama, pero nagkamali pala ako dahil nararamdaman ko kung gaano niya kamahal ang Prinsesa.

Ang dahilan kung bakit niya gustong makontrol ang kapangyarihan niya ay para maprotektahan ang Prinsesa, kinuwento niya 'yon sa akin nung unang dating namin dito sa Planet Blaker.

Akala ko nung umpisa ay obligasyon lang ang dahilan kung bakit niya gustong protektahan ang Prinsesa hanggang sa napagtanto kong pagmamahal ang nararamdaman niya para rito.

LDWCB1: A Princess Power [COMPLETED]Where stories live. Discover now