CHAPTER 16

1.3K 26 0
                                    

UNIQUEEN FREYA'S POV

"Sa Planet Greenforst patungo ang portal."

"How can you be so sure?" tanong bigla sa akin ng babaeng si Ksenia.

"Nanggaling sa Planet Greenforst ang pareho kong magulang. Sila ang nagsabi sa aking nakarating sila rito sa Planet Tycon nang may lumitaw bigla na portal sa tinitirahan nila. Kinuwento rin nila sa akin na sa planeta nila ay may napapadpad na hindi pamilyar sa kanilang uri ng tao, 'yon ay ang mga taong nanggaling dito sa Planet Tycon. Ang portal ay tumatagal lamang ng dalawang minuto."

Huminga muna ako nang malalim bago nagpatuloy.

"Ang June 12 ay hindi eksaktong petsa kung kailan nagaganap ang lindol. Nagkataon lang na sunod-sunod ang nangyaring paglindol sa date na June 12 kaya akala ng nakararami ay tuwing June 12 ang petsa ng paglindol."

"Kung hindi eksaktong June 12 nangyayari ang paglindol, kailan naman?" tanong ni Maken.

"Iba't ibang araw tuwing buwan ng Hunyo."

"Hindi ba't ang Planet Greenforst ay pinoprotektahan ng isang Deity?" pagtatanong ni Emi.

"Yes," sagot ko at tumango-tango pa. "Hindi mo magagawang makapasok sa Planet Greenforst kahit anong gawin mo o kahit anumang uri ng kapangyarihan ang mayroon ka dahil protektado 'yon ng isang Deity."

"Is that the only planet that has almost only forests, jungles, woods, mountains, volcanoes, rivers, lakes, oceans, or anything like that?" tanong naman ni Estelle

Tinanguan ko siya. "Kagaya nga ng pangalan nito, Greenforst o pinaikling Green Forest. Ito ang nag-iisang planeta na wala kang kakikitaan na kahit anumang imprastraktura."

Kitang-kita ko ang paghanga sa mga mata nila at nang lingunin ko naman si Raye ay diretso lang siyang nakatingin sa akin.

Sa totoo lang ay kanina ko pa siya nararamdamang nakatingin sa akin. Hindi ko tuloy alam kung nakikinig ba siya sa sinasabi ko o naka-focus lang sa akin habang nagsasalita ako.

Bigla naman siyang nag-iwas ng tingin sa akin.

Ang tanga mo talaga, Yuni! Nakakabasa 'yan ng isip, nakalimutan mo na naman!

Napatingin naman kaming lahat kay Maken nang tumunog ang phone niya.

"Naka-receive ako ng message mula sa assistant ng Headmaster." Bumaling siya kay Raye. "West, gusto kang makausap ng Headmaster, kasama si Ksenia." Sunod siyang bumaling kay King Hron. "Saan ang room na ginagamit ng magulang mo para makausap ang Headmaster?"

"Sa second floor. Hanapin niyo roon ang pintuang naiiba ang kulay," sagot ni King Hron.

Tinanguan lang ito ni Maken bago sinenyasan sila Raye at ang babaeng si Ksenia na sundan siya. Kasing tangkad ko lang ang babaeng 'yon, kulay reddish-brown ang hanggang balikat niyang buhok at kulay dark purple naman ang mata niya.

LDWCB1: A Princess Power [COMPLETED]Where stories live. Discover now