CHAPTER 37

905 13 0
                                    

RAYE'S POV

"Is it true that you met up with your ex-girlfriend?"

Napalingon ako kay Vlad dahil sa tanong niyang 'yon, nakatingin naman siya kay Theon. Pasimple naman akong lumapit sa kanila habang nakaupo pa rin sa swivel chair.

"Wow," nagugulat pang sabi niya. "Rumors about me spread so quickly," dagdag niya habang nakatingin sa katapat niyang hologram screen.

"Bakit kayo nagkita?" pagsingit ko sa usapan nila.

Hindi siya sumagot at ngingisi-ngising nagpatuloy lang sa kaniyang ginagawa.

"You're crazy!" sigaw ni Vlad sa kaniya at pinukpok ang mesang nasa tapat niya. "Remember that you've been married for almost five years!"

"So?" walang interes na tanong ni Theon.

"Does Yze know that you met up with your ex?" pagtatanong ko pa ulit.

"Do I need to tell her?" tanong niya pabalik.

"She should know because she is your wife!" sigaw ulit sa kaniya ni Vlad.

"I don't consider her my wife," walang ganang sabi pa ni Theon.

"What you're doing is cheating!" Naiinis na talaga si Vlad, pero si Theon ay wala pa ring pakialam.

"Bakit kayo nagkita ni Nyx?" Pagtukoy ko sa kaniyang ex-girlfriend.

"Gusto lang niya akong makita kaya pumayag akong makipagkita sa kaniya," nakangising sagot niya.

"You really are crazy!" Galit pa rin ang tono ng pananalita ni Vlad.

"Chill hahahaha. We didn't do anything," saad pa ni Theon. "Nothing happened between us. We just..." He bit his lower lip, preventing himself from smiling. "...talked."

*Crack!*

Pare-pareho kaming natigilan dahil sa malakas na tunog na 'yon mula sa nabasag na bote.

Sabay-sabay naming nilingon ang nasa likuran ni Vlad. Naroon si Yzelizel, ang asawa ni Theon.

"A-Ah, h-hahaha, d-dumulas sa k-kamay ko, s-sorry..." Gumaralgal ang boses niya nang sabihin 'yon bago yumuko para pulutin ang bubog mula sa nabasag na boteng lagayan ng gatas.

She loves drinking milk. Madalas siyang pumunta rito sa HQ namin para bisitahin ang asawa kahit nasa ibang area ang HQ nila.

"Don't touch it." Ngayon ko lang napansin ang pagtayo ni Theon at paglapit kay Yze. "Tss." Salubong ang kilay habang nakakunot ang noong pinupulot ni Theon ang mga bubog at nilagay 'yon sa dustpan na kinuha niya sa may gilid. "Umuwi ka na," sabi niya pagkabaling kay Yze.

"M-Mamaya na, h-hihintayin na k-kita para s-sabay tayong u-umuwi," nakayukong sabi ni Yze sa kaniya.

Tinitigan naman siya ni Theon nang ilang segundo bago bumaling sa amin ni Vlad. "Linisan niyo na lang ito." Tinuro niya ang sahig kung saan nahulog ang hawak na bote kanina ni Yze. "Uuwi na ako." Kinuha niya ang coat na nakasampay sa swivel chair niya at isinukbit 'yon sa balikat niya.

"Oh? Uuwi ka na?" Napatigil si Theon sa paglalakad papunta sa pinto nang bumukas 'yon at niluwa si Drix. Hindi naman siya sinagot ni Theon kaya bumaling siya kay Yze. "Sinundo ka pala ng asawa mo, e, hahahahaha."

LDWCB1: A Princess Power [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang